PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Tinuruan Kami ni Jehova na Palakihin ang Aming mga Anak
Ano ang matututuhan ng mga mag-asawa mula sa kanilang Ama sa langit, si Jehova, para matagumpay nilang mapalaki ang kanilang mga anak? Panoorin ang video na Tinuruan Kami ni Jehova na Palakihin ang Aming mga Anak. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol kina Abilio at Ulla Amorim:
Paano nakatulong ang buhay nila noong bata sila sa pagpapalaki ng kanilang mga anak?
Ano ang magagandang alaala ng kanilang mga anak noong bata pa ang mga ito?
Paano sinunod ng mag-asawang Amorim ang Deuteronomio 6:6, 7?
Bakit hindi sila nagdidikta ng mga batas sa kanilang mga anak?
Paano nila tinulungan ang kanilang mga anak na magtayo, o gumawa, ng sarili nilang kinabukasan?
Ano ang mga handa nilang isakripisyo para mapasigla ang kanilang mga anak na maglingkod nang buong panahon? (bt 178 ¶19)