Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb19 Pebrero p. 3
  • Napag-uunawa Mo Ba ang mga Di-nakikitang Katangian ng Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napag-uunawa Mo Ba ang mga Di-nakikitang Katangian ng Diyos?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Kaparehong Materyal
  • The Wonders of Creation Reveal God’s Glory
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Obserbahan ang mga Nilalang ni Jehova Para Mas Makilala Siya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Gamitin ang mga Nilalang Para Turuan ang mga Anak Mo Tungkol kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Gawing Makulay ang Inyong Buhay
    Gumising!—1990
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
mwb19 Pebrero p. 3

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Napag-uunawa Mo Ba ang mga Di-nakikitang Katangian ng Diyos?

Kapag nakikita mo ang isang makulay na bulaklak, mabituing kalangitan, o kamangha-manghang talon, naiisip mo bang gawa ito ng Maylikha? Masasalamin sa mga bagay na nilalang ni Jehova ang kaniyang di-nakikitang mga katangian. (Ro 1:20) Kapag binubulay-bulay natin ang mga bagay na nakikita natin, magiging malinaw sa atin ang kapangyarihan, pag-ibig, karunungan, at katarungan ng Diyos, pati na ang kaniyang pagkabukas-palad.—Aw 104:24.

Anong mga bagay na nilikha ni Jehova ang napapansin mo bawat araw? Kahit nasa siyudad ka, makakakita ka ng mga ibon at puno. Kung pagmamasdan nating mabuti ang mga nilikha ni Jehova, tutulong ito para mabawasan ang pag-aalala natin, magkakaroon tayo ng tamang pananaw sa mga problema, at titibay ang ating pananampalataya na kaya tayong pangalagaan ni Jehova magpakailanman. (Mat 6:25-32) Kung may mga anak ka, tulungan silang makita ang walang-kapantay na mga katangian ni Jehova. Habang lumalalim ang pagpapahalaga natin sa mga bagay na nilalang ng Maylikha, mas mapapalapit tayo sa kaniya.—Aw 8:3, 4.

PANOORIN ANG VIDEO NA NAKIKITA ANG KALUWALHATIAN NG DIYOS SA KANIYANG MGA LIKHA—LIWANAG AT KULAY. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano tayo nakakakita ng mga kulay?

  • Bakit nagkakaroon ng iridescence?

  • Bakit tayo nakakakita ng iba’t ibang kulay sa kalangitan?

  • Anong kapansin-pansing mga kulay ang nakikita mo sa inyong lugar?

  • Bakit kailangan tayong maglaan ng panahon para pagmasdang mabuti ang kalikasan?

Isang pink na rosas, isang asul na paruparo, mga prutas na iba’t ibang kulay, at ang araw

Anong katangian ni Jehova ang masasalamin sa liwanag at kulay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share