Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb19 Agosto p. 3
  • Makisama sa mga Umiibig kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Makisama sa mga Umiibig kay Jehova
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Iniwan ni Jehoas si Jehova Dahil sa Masasamang Kasama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Jehoiada
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Jehoas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bakit Dapat Tayong Matakot kay Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
mwb19 Agosto p. 3

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Makisama sa mga Umiibig kay Jehova

Bakit dapat tayong makisama sa mga umiibig kay Jehova? Dahil ang mga kasama natin ay nakakaimpluwensiya sa atin sa ikabubuti o ikasasama. (Kaw 13:20) Halimbawa, ginawa ni Haring Jehoas “ang tama sa paningin ni Jehova” habang kasama niya ang mataas na saserdoteng si Jehoiada. (2Cr 24:2) Pero pagkamatay ni Jehoiada, iniwan ni Jehoas si Jehova dahil sa masasamang kasama.—2Cr 24:17-19.

Noong unang siglo C.E., itinulad ni apostol Pablo ang kongregasyong Kristiyano sa “isang malaking bahay” at ang mga miyembro naman ng kongregasyon sa mga ‘kagamitan,’ o gamit sa bahay. Patuloy tayong “magagamit . . . sa marangal na paraan” kung iiwasan nating makisama sa sinumang gumagawa ng masama sa paningin ni Jehova, kahit kapamilya pa natin siya o kakongregasyon. (2Ti 2:20, 21) Kaya patuloy tayong makisama sa mga taong umiibig kay Jehova at nagpapasigla sa atin na paglingkuran siya.

PANOORIN ANG VIDEO NA IWASAN ANG MASAMANG KASAMA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano posibleng makapasok sa buhay natin ang masasamang kasama?

  • Sa video, ano ang nakatulong sa tatlong Kristiyano para maihinto nila ang pakikisama sa masasamang kasama?

  • Anong mga simulain sa Bibliya ang makatutulong sa iyo sa pagpili ng mabubuting kasama?

Nilalagyan ni John ng alak ang baso ng mga kliyente niya sa isang restaurant; tumitingin si Kristin sa social media; naglalaro si Jayden ng online game; si John, ang pamilya niya, at sina Kristin at Jayden sa pulong

Nagagamit ba ako sa “marangal na paraan”? —2Ti 2:21

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share