Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb19 Oktubre p. 8
  • Mahal ni Jehova ang mga Taong Malinis

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mahal ni Jehova ang mga Taong Malinis
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Kalinisan—Ano ba Talaga ang Kahulugan Nito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Gaano ba Kahalaga ang Kalinisan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Iniibig ng Diyos ang mga Taong Malinis
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Kalinisan—Bakit Ito Mahalaga?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
mwb19 Oktubre p. 8
Isang brother ang naglilinis sa restroom ng Kingdom Hall

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mahal ni Jehova ang mga Taong Malinis

“Maghugas ng kamay. Maglinis ng kuwarto. Magwalis. Magtapon ng basura.” Tinuturuan ng maraming magulang ang kanilang mga anak na maging malinis sa pisikal. Pero ang pamantayan sa kalinisan ay galing sa banal na Diyos. (Exo 30:18-20; Deu 23:14; 2Co 7:1) Kapag pinananatili nating malinis ang ating katawan at mga pag-aari, pinararangalan natin si Jehova. (1Pe 1:14-16) Kumusta naman ang ating bahay at kapaligiran? Di-tulad ng mga taong basta na lang itinatapon ang mga basura nila sa kalsada at mga parke, sinisikap ng mga Kristiyano na panatilihing malinis ang kapaligiran. (Aw 115:16; Apo 11:18) Kahit sa maliliit na bagay, gaya ng pagtatapon ng mga lata ng softdrinks, balat ng candy, o chewing gum, makikita ang saloobin natin tungkol sa kalinisan. Sa bawat aspekto ng buhay, gusto nating ‘irekomenda ang sarili natin bilang mga lingkod ng Diyos.’—2Co 6:3, 4.

PANOORIN ANG VIDEO NA INIIBIG NG DIYOS ANG KALINISAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano ang idinadahilan ng iba kaya hindi sila naglilinis?

  • Paano ipinakita ng Kautusang Mosaiko ang pananaw ni Jehova sa kalinisan?

  • Paano natin mapaparangalan si Jehova nang walang salita?

Sumakay ang tatay sa maruming kotse ng kaniyang anak; pinag-uusapan ng mag-ama ang pamantayan ni Jehova sa kalinisan; dalawang saserdote sa sinaunang Israel na malapit sa tansong tipunan ng tubig para sa paghuhugas; bumaba ang mga kapatid sa kotse ng anak na ngayon ay malinis na

Paano ko matutularan ang pananaw ni Jehova tungkol sa kalinisan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share