KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 12-14
Isang Tipan na Nakakaapekto sa Iyo
Si Jehova ay nakipagtipan kay Abraham at ito ang naging saligan ng pagtatatag ng Kaharian ng langit
Lumilitaw na nagkabisa ang tipan noong 1943 B.C.E. nang tawirin ni Abraham ang Ilog Eufrates noong papunta siya ng Canaan
Mananatili ang bisa ng tipan hanggang sa puksain ng Mesiyanikong Kaharian ang mga kaaway ng Diyos. Pagkatapos, pagpapalain ng Kaharian ang lahat ng pamilya sa lupa
Pinagpala ni Jehova si Abraham dahil malaki ang pananampalataya nito. Kung ipapakita nating nananampalataya tayo sa mga pangako ni Jehova, anong mga pagpapala ang naghihintay sa atin bilang resulta ng tipang Abrahamiko?