KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 15-17
Bakit Pinalitan ni Jehova ang mga Pangalan Nina Abram at Sarai?
Para kay Jehova, walang pagkukulang si Abram. Nang sabihin niya kay Abram ang higit pang detalye tungkol sa pangako niya, binigyan niya sina Abram at Sarai ng mga pangalang may makahulang kahulugan.
Nagkatotoo ang kahulugan ng mga pangalan nila. Si Abraham ay naging ama ng maraming bansa at si Sara ay naging ninuno ng mga hari.
Abraham
Ama ng Karamihan
Sara
Prinsesa
Noong ipinanganak tayo, hindi tayo ang pumili ng pangalan natin. Pero gaya nina Abraham at Sara, makakagawa tayo ng sarili nating pangalan, o reputasyon. Tanungin ang sarili:
‘Paano ako maituturing ni Jehova na walang pagkukulang?’
‘Anong pangalan ang ginagawa ko sa harap ni Jehova?’