KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 18-19
Pinuksa ng “Hukom ng Buong Lupa” ang Sodoma at Gomorra
Ano ang matututuhan natin sa pagpuksa ni Jehova sa Sodoma at Gomorra?
Hindi kailanman kukunsintihin ni Jehova ang kasamaan
Ang mga makakaligtas sa darating na paghatol ay ang mga nakikinig sa Diyos at gumagawa ng kaniyang kalooban.—Luc 17:28-30
TANUNGIN ANG SARILI: ‘Nababagabag ba ako sa walang-kahihiyang paggawi ng masamang mundong ito?’ (2Pe 2:7) ‘Makikita ba sa paraan ng pamumuhay ko na ang pinakamahalaga sa akin ay ang paggawa ng kalooban ni Jehova?’