KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 31
Gumawa ng Kasunduan si Jacob at si Laban Para sa Kapayapaan
Bakit gumawa ng magkakapatong na bato sina Jacob at Laban?
Nagsilbi itong saksi o simbolo sa kanilang ginawang kasunduan, o tipan para sa kapayapaan
Ipinapaalaala nito sa kanila na nagbabantay si Jehova para matiyak na tinutupad nila ang kanilang kasunduan
Sa ngayon, inaasahan ni Jehova na may kapayapaan sa pagitan ng kaniyang bayan. Paano makakatulong sa atin ang tatlong paraan na ito para mapanatili o maibalik ang kapayapaan?
Pag-usapan ang mga di-pagkakaunawaan.—Mat 5:23, 24
Lubusang magpatawad.—Col 3:13
Maging mapagpasensiya.—Ro 12:21