Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb20 Abril p. 7
  • ‘Alisin Ninyo ang mga Diyos ng mga Banyaga’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Alisin Ninyo ang mga Diyos ng mga Banyaga’
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Kaparehong Materyal
  • May Masama Ba sa Okultismo?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Tanggapin ang Tulong ni Jehova Para Malabanan ang Masasamang Espiritu
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Jacob
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ano ang Itinuturo ng Bibliya Tungkol sa Espiritismo?
    Gumising!—2017
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
mwb20 Abril p. 7
Isang lalaking itinatapon ang anting-anting.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

‘Alisin Ninyo ang mga Diyos ng mga Banyaga’

Alam ni Jacob na karapat-dapat si Jehova sa bukod-tanging debosyon, kahit hindi pa nagbibigay si Jehova ng batas tungkol sa idolatriya. (Exo 20:3-5) Kaya pagkatapos siyang pabalikin ni Jehova sa Bethel, inutusan ni Jacob ang lahat na alisin ang mga idolo. Inalis ni Jacob ang mga idolo, kasama na ang mga hikaw, na malamang na isinusuot bilang anting-anting. (Gen 35:1-4) Tiyak na natuwa si Jehova sa ginawa ni Jacob.

Paano naman natin maibibigay kay Jehova ang ating bukod-tanging debosyon? Iwasan ang mga bagay na may kaugnayan sa idolatriya o espiritismo. Kasama rito ang mga bagay na may kaugnayan sa okultismo pati na ang pagsusuring mabuti sa mga libangan natin. Kaya tanungin ang sarili: ‘Natutuwa ba ako sa mga aklat o pelikula na may mga bampira, zombie, o kababalaghan? Ang mga libangan ko ba ay may bahid ng mahika, pangkukulam, o sumpa?’ Dapat nating layuan ang mga bagay na kinapopootan ni Jehova.​—Aw 97:10.

PANOORIN ANG VIDEO NA “LABANAN NINYO ANG DIYABLO.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Isang baby na nakahiga sa kama habang suot-suot ang anting-anting. Sa likod, ang nanay niya, na isang Bible study, na nakikipag-usap sa mag-asawang Saksi na nagtuturo sa kaniya.

    Anong problema ang napaharap sa Bible study na si Palesa?

  • Ang mag-asawa at ang Bible study nila na nakikipag-usap sa dalawang elder para humingi ng tulong.

    Bakit kailangang hingin ang tulong ng mga elder sa ganitong sitwasyon?

  • Sinusunog ng Bible study ang anting-anting ng baby niya sa kalan.

    Labanan ang Diyablo, at manatiling malapít sa Diyos.​—San 4:7, 8

    Kung gusto nating protektahan tayo ni Jehova, anong mga bagay ang dapat nating lubusang alisin?

  • Ano ang ginawa ni Palesa?

  • Sa lugar ninyo, ano ang ilang paraan para maiwasan ang impluwensiya ng mga demonyo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share