KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 44-45
Pinatawad ni Jose ang mga Kapatid Niya
Baka mahirapan tayong magpatawad, lalo na kung sinasadya ng iba na saktan tayo. Ano ang nakatulong kay Jose na patawarin ang mga kapatid niya kahit ginawan nila siya ng masama?
Hindi naghanap si Jose ng pagkakataong makaganti. Sa halip, inalam niya kung nagbago na ang mga kapatid niya dahil gusto niya silang patawarin.—Aw 86:5; Luc 17:3, 4
Hindi siya nagkimkim ng galit. Tinularan niya si Jehova na laging handang magpatawad.—Mik 7:18, 19
Paano ko matutularan ang pagiging handang magpatawad ni Jehova?