KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 6-7
“Makikita Mo Ngayon Kung Ano ang Gagawin Ko sa Paraon”
Bago padalhan ni Jehova ng salot ang Ehipto at bago palayain ang mga Israelita sa pagkaalipin, sinabi na niya sa mga Israelita ang gagawin niya. Noon lang nila masasaksihan ang kapangyarihang ipapakita ni Jehova at siguradong malalaman ng mga Ehipsiyo kung sino si Jehova. Nang matupad ang mga pangako ng Diyos, tumibay ang pananampalataya ng mga Israelita, at nakatulong ito para hindi sila maimpluwensiyahan ng huwad na pagsamba na nakita nila sa Ehipto.
Paano napapatibay ng ulat na ito ang pagtitiwala mo na matutupad ang mga pangako ni Jehova na nasa Bibliya?