PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Maging Mapagpakumbaba—Huwag Purihin ang Sarili
Ang pagpuri sa sarili at pagyayabang ay hindi nakakapagpatibay. Kaya sinasabi sa Bibliya: “Hayaan mong ibang tao ang pumuri sa iyo, sa halip na sarili mong bibig.”—Kaw 27:2.
PANOORIN ANG VIDEO NA MAGING KAIBIGAN NI JEHOVA—MAGING MAPAGPAKUMBABA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong mga bagay ang madalas ipagyabang ng mga tao?
Ano ang ipinagyayabang ni Caleb sa kaibigan niya?
Paano itinuro ng tatay ni Caleb sa kaniya na dapat siyang maging mapagpakumbaba?
Paano tayo matutulungan ng 1 Pedro 5:5 na maging mapagpakumbaba?