KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 10-11
Nagpakita ng Lakas ng Loob Sina Moises at Aaron
Lakas-loob na nakipag-usap sina Moises at Aaron sa Paraon—ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo noong panahong iyon. Paano nila iyon nagawa? Sinabi ng Bibliya tungkol kay Moises: “Dahil sa pananampalataya, iniwan niya ang Ehipto, pero hindi siya natakot sa galit ng hari, dahil nanatili siyang matatag na parang nakikita ang Isa na di-nakikita.” (Heb 11:27) Matibay ang pananampalataya nina Moises at Aaron kay Jehova at umasa sila sa kaniya.
Sa anong mga sitwasyon mo kailangan ng lakas ng loob para maipagtanggol ang pananampalataya mo sa harap ng awtoridad?