KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 12
Paskuwa—Ang Kahalagahan Nito sa mga Kristiyano
Para hindi madamay ang mga Israelita sa ika-10 salot, kailangan nilang sumunod sa mga tagubilin. (Exo 12:28) Noong gabi ng Nisan 14, tinagubilinan ang mga pamilya na magtipon sa kanilang bahay. Kailangan nilang pumatay ng isang malusog at isang-taóng-gulang na lalaking kordero o kambing. Kukuha sila ng dugo nito, at lalagyan nila ng dugo ang itaas na bahagi ng pasukan at mga poste nito. Pagkatapos, iihawin nila ang buong hayop at dali-dali itong kakainin. Walang sinuman ang dapat lumabas ng bahay hanggang kinaumagahan.—Exo 12:9-11, 22.
Paano tayo pinoprotektahan ng pagiging masunurin sa ngayon?