KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 13-14
‘Tumayo Kayong Matatag at Tingnan ang Pagliligtas ni Jehova’
Si Jehova ay mapagmalasakit at makonsiderasyong Tagapagligtas. Paano niya ipinakita ang pagiging makonsiderasyon niya noong inaakay niya ang mga Israelita pag-alis nila ng Ehipto?
Inorganisa niya sila bilang isang grupo.—Exo 13:18
Pinatnubayan niya sila at pinrotektahan.—Exo 14:19, 20
Iniligtas niya ang lahat ng lingkod niya, bata man o matanda.—Exo 14:29, 30
Ano ang natitiyak mong mangyayari sa panahon ng malaking kapighatian?—Isa 30:15