KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 23-24
Huwag Sumunod sa Karamihan
Sinabihan ni Jehova ang mga testigo at hukom sa mga kaso na huwag magpaimpluwensiya sa karamihan dahil baka makapagbigay sila ng maling patotoo o mabaluktot nila ang hatol. Ang prinsipyong ito ay makakatulong din sa iba pang bahagi ng buhay. Iniimpluwensiyahan ng mundong ito ang mga Kristiyano na gayahin ang pag-iisip at paggawi ng mga taong hindi sumusunod kay Jehova.—Ro 12:2.
Bakit hindi tamang sumunod sa karamihan
kapag may narinig na tsismis o impormasyong walang basehan?
kapag pumipili ng damit, style ng buhok, o libangan?
pagdating sa pananaw at pakikitungo sa mga tao na iba ang lahi, kultura, o kalagayan sa buhay?