PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Huwag Magkalat ng Kasinungalingan
Sa ngayon, mabilis na naipapasa ang impormasyon sa milyon-milyong tao sa pamamagitan ng mga babasahín, radyo, telebisyon, at Internet. Ayaw ng mga sumasamba sa “Diyos ng katotohanan” na magkalat ng maling impormasyon, kahit pa nang di-sinasadya. (Aw 31:5; Exo 23:1) Hindi maganda ang epekto kapag naikalat ang kasinungalingan. Para malaman kung totoo ang isang impormasyon, itanong sa sarili:
‘Mapagkakatiwalaan ba ang pinanggalingan nito?’ Baka hindi alam ng nagkuwento ang lahat ng detalye. Posibleng may nabago na sa kuwento kapag napagpasa-pasahan na ito, kaya mag-ingat kapag hindi mo alam kung kanino talaga ito nanggaling. Ang mga may pribilehiyo sa kongregasyon ang lalo nang dapat mag-ingat sa pagpapasa ng impormasyong walang basehan dahil may tiwala sa kanila ang mga kapatid
‘Mapanira ba ang impormasyon?’ Kung makakasira ito sa reputasyon ng isang tao o grupo, mas mabuting huwag na itong ikuwento sa iba.—Kaw 18:8; Fil 4:8
‘Kapani-paniwala ba ang impormasyon?’ Mag-ingat kapag may narinig na kuwento at karanasan na sobrang kakaiba
PANOORIN ANG VIDEO NA PAANO KO MAPAPAHINTO ANG TSISMIS? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ayon sa Kawikaan 12:18, ano ang puwedeng maging epekto ng sinasabi natin?
Paano makakatulong ang Filipos 2:4 kapag nagkukuwento tayo tungkol sa iba?
Ano ang dapat nating gawin kapag nagiging sarkastiko o negatibo na ang usapan tungkol sa iba?
Bago tayo magkuwento tungkol sa iba, ano ang dapat nating itanong sa sarili?