Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb20 Oktubre p. 5
  • Mga Kabataan—Si Jehova Ba ang Best Friend Ninyo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Kabataan—Si Jehova Ba ang Best Friend Ninyo?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Inaanyayahan Ka ng Diyos na Maging Kaibigan Niya
    Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
  • Dapat Ko Bang Isumbong ang Kaibigan Ko?
    Gumising!—2008
  • Bakit Lumisan ang Aking Matalik na Kaibigan?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
mwb20 Oktubre p. 5
Kabataang brother na nakaupo sa harap ng desk niya habang nag-aaral ng Bibliya.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Kabataan—Si Jehova Ba ang Best Friend Ninyo?

Anong mga katangian ang hinahanap mo sa isang kaibigan? Baka ang isagot mo ay mabait, bukas-palad, at hindi nang-iiwan. Ganiyang-ganiyan si Jehova. (Exo 34:6; Gaw 14:17) Nakikinig siya sa mga panalangin mo. Tinutulungan ka niya kapag may problema ka. (Aw 18:19, 35) Pinapatawad niya ang mga pagkakamali mo. (1Ju 1:9) Talagang mabuting Kaibigan si Jehova!

Paano mo magiging kaibigan si Jehova? Kilalanin mo siya sa pamamagitan ng pagbabasa ng kaniyang Salita. Sabihin sa kaniya ang mga problema mo. (Aw 62:8; 142:2) Pahalagahan ang mga pinapahalagahan ni Jehova, gaya ng kaniyang Anak, Kaharian, at mga pangako sa hinaharap. Ipakilala siya sa iba. (Deu 32:3) Kung sisikapin mong magkaroon ng malapít na kaugnayan kay Jehova, magiging Kaibigan mo siya magpakailanman.​—Aw 73:25, 26, 28.

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA KABATAAN—“TIKMAN AT TINGNAN NA SI JEHOVA AY MABUTI.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena mula sa video na ‘Mga Kabataan—Tikman at Tingnan na si Jehova ay Mabuti.’ Kabataang sister na nananalangin bago mag-aral ng Bibliya.

    Paano ka makakapaghanda para sa pag-aalay at bautismo?

  • Eksena mula sa video na ‘Mga Kabataan—Tikman at Tingnan na si Jehova ay Mabuti.’ Payunir na brother na nagbabasa ng teksto sa isang lalaki sa wikang Karen (S’gaw).

    Paano ka matutulungan ng mga kapatid sa kongregasyon sa paglilingkod kay Jehova?

  • Eksena mula sa video na ‘Mga Kabataan—Tikman at Tingnan na si Jehova ay Mabuti.’ Sinasamahan ng kabataang brother, na napatibay noon ng may-edad nang mga kapatid, ang isang may-edad na brother sa ministeryo.

    Paano makakatulong ang ministeryo para mas mapalapit ka kay Jehova?

  • Eksena mula sa video na ‘Mga Kabataan—Tikman at Tingnan na si Jehova ay Mabuti.’ Dalawang oras na naglakad ang sister mula sa bahay niya para makapag-Bible study sa isang babaeng pipi.

    Puwede mong maging Kaibigan si Jehova magpakailanman!

    Anong mga pribilehiyo ang bukás para sa iyo?

  • Anong katangian ni Jehova ang gustong-gusto mo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share