KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 35-36
Tinulungan Para Maisagawa ang Atas Mula kay Jehova
Sa tulong ng banal na espiritu ni Jehova, naisagawa nina Bezalel at Oholiab ang detalyadong plano para sa tabernakulo. Tinutulungan din ng makapangyarihang banal na espiritu ni Jehova ang mga lingkod niya sa ngayon. Paano tayo matutulungan nito?
Dapat tayong manalangin para sa banal na espiritu para mas mapahusay natin ang ating kakayahan sa paglilingkod kay Jehova
Dapat na masikap nating pag-aralan ang Salita ng Diyos
Dapat nating ibigay ang ating buong makakaya sa anumang atas natin
Sa anong mga atas ka tinutulungan ni Jehova?