KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LEVITICO 4-5
Ibigay kay Jehova ang Buong Makakaya Mo
Hindi hadlang ang kahirapan sa mga Israelita para magkaroon ng mapayapang kaugnayan kay Jehova. Kahit ang mahihirap ay puwedeng magbigay ng katanggap-tanggap na handog kay Jehova, basta iyon ang buong makakaya nila. Puwede silang maghandog ng harina, pero inaasahan pa rin ni Jehova na “magandang klase” iyon, gaya ng ginagamit para sa iginagalang na panauhin. (Gen 18:6) Sa ngayon, tinatanggap din ni Jehova ang ating ‘handog ng papuri’ anuman ang kalagayan natin sa buhay, basta iyon ang buong makakaya natin.—Heb 13:15.
Paano ka mapapatibay ng impormasyong ito kung limitado na ang nagagawa mo ngayon, posibleng dahil sa humihinang kalusugan?