Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb21 Enero p. 11
  • Piliing Paglingkuran si Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Piliing Paglingkuran si Jehova
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Bautismo​—Isang Napakagandang Goal!
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Bautismo—Kahilingan Para sa mga Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Pag-abot sa mga Kahilingan sa Kristiyanong Bautismo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
mwb21 Enero p. 11
Ang daan sa paglilingkod kay Jehova. May mga road sign na tumutukoy sa pag-aaral ng Bibliya, pagdalo sa pulong, pangangaral, at bautismo.

Nasaan ka na sa daan tungo sa bautismo?

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Piliing Paglingkuran si Jehova

Kung isa kang di-bautisadong kabataan o Bible study, tunguhin mo bang magpabautismo? Bakit dapat mo itong gawin? Ang pag-aalay at bautismo ay pasimula ng pagkakaroon ng malapít na kaugnayan kay Jehova. (Aw 91:1) Nagliligtas din ang mga ito. (1Pe 3:21) Paano mo maaabót ang tunguhing ito?

Patunayan sa sarili na ito ang katotohanan. Kapag may mga tanong ka, mag-research. (Ro 12:2) Alamin ang mga dapat mong baguhin, at gawin ang mga pagbabagong iyon dahil gusto mong mapasaya si Jehova. (Kaw 27:11; Efe 4:23, 24) Laging humingi ng tulong sa kaniya. Makakaasa kang papalakasin ka at tutulungan ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang makapangyarihang banal na espiritu. (1Pe 5:10, 11) Sulit na sulit ang lahat ng pagsisikap mo. Wala nang pinakamagandang paraan ng pamumuhay kundi ang paglingkuran si Jehova!—Aw 16:11.

PANOORIN ANG VIDEO NA DAAN TUNGO SA BAUTISMO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Para mabautismuhan, anong mga hadlang ang napagtagumpayan ng ilan?

  • Paano ka magkakaroon ng pananampalatayang kailangan para maialay ang iyong sarili kay Jehova?

  • Ano ang nagpakilos sa ilan na abutín ang mga kuwalipikasyon para sa bautismo?

  • Anong mga pagpapala ang tinanggap ng mga pumiling paglingkuran si Jehova?

  • Ano ang kahulugan ng pag-aalay at bautismo?

Sa huling bahagi ng pahayag sa bautismo, hihilingan ng tagapagsalita ang mga kandidato sa bautismo na tumayo at sagutin nang malakas ang dalawang tanong na ito:

Pinagsisihan mo na ba ang iyong mga kasalanan, inialay ang sarili mo kay Jehova, at tinanggap ang pagliligtas niya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo?

Nauunawaan mo ba na ang iyong bautismo ay nagpapakitang isa ka nang Saksi ni Jehova at bahagi ka na ng organisasyon ni Jehova?

Sa positibong pagsagot ng mga kandidato sa bautismo sa mga tanong na ito, “ipinahahayag” nila na nananampalataya sila sa pantubos at na inialay na nila ang kanilang sarili kay Jehova.​—Ro 10:9, 10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share