PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mahalin ang Kapamilya
Dahil sa pag-ibig, nagiging malapít sa isa’t isa ang magkakapamilya. Kung walang pag-ibig, mahihirapan ang pamilya na magkaisa at magtulungan. Paano maipapakita ng asawang lalaki, asawang babae, at mga magulang ang pag-ibig sa pamilya?
Isasaisip ng mapagmahal na asawang lalaki ang pangangailangan, pananaw, at damdamin ng misis niya. (Efe 5:28, 29) Ilalaan niya ang materyal at espirituwal na pangangailangan ng pamilya niya, kasama na ang regular na family worship. (1Ti 5:8) Ang mapagmahal na asawang babae ay magpapasakop at magpapakita ng “matinding paggalang” sa mister niya. (Efe 5:22, 33; 1Pe 3:1-6) Lubusan nilang papatawarin ang isa’t isa. (Efe 4:32) Ang mapagmahal na mga magulang ay magpapakita ng malasakit sa bawat anak nila at tuturuang ibigin si Jehova. (Deu 6:6, 7; Efe 6:4) Anong mga hamon sa school ang napapaharap sa mga anak nila? Paano nakakayanan ng mga ito ang panggigipit? Kapag punong-puno ng pagmamahal ang pamilya, mararamdaman ng mga miyembro nito na ligtas sila at panatag.
PANOORIN ANG VIDEO NA MAGPAKITA NG DI-NABIBIGONG PAG-IBIG SA PAMILYA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano pinaglalaanan at pinapahalagahan ng mapagmahal na asawang lalaki ang misis niya?
Paano ipinapakita ng mapagmahal na asawang babae ang matinding paggalang sa mister niya?
Paano itinatanim ng mapagmahal na mga magulang ang Salita ng Diyos sa puso ng mga anak nila?