Dahil nakikita sa mga nilalang kung gaano tayo kamahal ni Jehova, makakapagtiwala tayong pagpapalain niya ang pagsisikap nating paglingkuran siya
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Makikita sa mga Nilalang ang Pag-ibig ng Diyos
Dahil napaka-busy natin sa araw-araw, baka hindi na natin masyadong napapansin ang pag-ibig at pagkabukas-palad ni Jehova na makikita sa mga nilalang niya. Pero sinabi ni Jesus na pagmasdan natin ang mga nilalang at pag-isipan ang itinuturo ng mga ito tungkol kay Jehova.—Mat 6:25, 26.
PANOORIN ANG VIDEO NA NAKIKITA SA MGA NILALANG ANG PAG-IBIG NI JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang natutuhan mo tungkol sa pag-ibig sa atin ni Jehova mula sa . . .
mga element ng lupa?
atmospera ng lupa?
damo?
pagkakadisenyo sa mga hayop?
mga pandama natin?
utak natin?