Nagbigay ng hula si Jacob sa mga anak niya
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Ang Matalinong Paraan ng Paghahati-hati ni Jehova sa Lupain
Ginamit ni Jehova ang palabunutan para ipaalám sa bayan ang kalooban niya; posibleng para ito sa tinatayang lokasyon ng bawat tribo (Jos 18:10; it-1 894 ¶6)
Tiniyak ni Jehova na matutupad ang inihula ni Jacob noong mamamatay na ito (Jos 19:1; it-2 272 ¶6)
Pinayagan ni Jehova ang bayan na magpasiya kung ano ang magiging hangganan ng teritoryo ng bawat tribo (Jos 19:9; it-1 895 ¶1)
Hinati-hati ang lupain sa paraang maiiwasan ang inggit at pagtatalo ng mga tribo. Ano ang matututuhan mo dito tungkol sa gagawin ni Jehova sa bagong sanlibutan?