PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mga Nilalang—Nagpapatibay ng Pagtitiwala Natin sa Karunungan ni Jehova
Lagi bang alam ni Jehova ang pinakamabuti para sa atin? Oo! Nagpapakita tayo ng karunungan kapag sinusunod natin ang mga utos niya. (Kaw 16:3, 9) Pero puwedeng masubok ang pagtitiwala natin sa patnubay niya kapag iba ang pananaw natin sa pananaw niya. Mapapatibay ang pagtitiwala natin sa karunungan ni Jehova kung bubulay-bulayin natin ang mga nilalang niya.—Kaw 30:24, 25; Ro 1:20.
PANOORIN ANG VIDEO NA MAY NAGDISENYO BA NITO? PAANO NAIIWASAN NG MGA LANGGAM ANG TRAPIKO? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang araw-araw na ginagawa ng karamihan sa mga langgam?
Paano naiiwasan ng mga langgam ang trapiko?
Ano ang matututuhan ng mga tao tungkol sa kakayahan ng mga langgam?
PANOORIN ANG VIDEO NA MAY NAGDISENYO BA NITO? ANG KONTROLADONG PAGLIPAD NG BUMBLEBEE. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong mga hamon ang napapaharap sa mga tao sa pagpapalipad ng maliliit na eroplano?
Habang lumilipad ang bumblebee, ano ang ginagawa nito para hindi matangay ng malakas na hangin?
Ano ang puwedeng matutuhan ng mga tao sa likas na karunungan ng bumblebee?
Anong mga ebidensiya ng karunungan ni Jehova ang nakikita mo sa mga nilalang sa lugar ninyo?