PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Karunungan Para sa Buhay sa JW.ORG
Tinutulungan tayo ng Salita ng Diyos na maharap ang anumang pagsubok sa mga huling araw na ito. (2Ti 3:1, 16, 17) Pero kung minsan, kailangan nating hanapin ang mga prinsipyo sa Bibliya na angkop sa isang sitwasyon. Halimbawa, isa ka bang magulang na naghahanap ng payo sa pagpapalaki ng mga anak? Isa ka bang teenager at nasusubok ang pananampalataya mo? Namatayan ka ba ng asawa? Makakakita ka ng espesipikong mga prinsipyo sa Bibliya sa jw.org para maharap ang iba’t ibang sitwasyon.—Kaw 2:3-6.
Sa home page ng jw.org, pindutin ang tab na TURO NG BIBLIYA para lumitaw ang iba’t ibang kategorya. (Larawan 1.) O pindutin ang LIBRARY > MGA SERYE NG ARTIKULO at pumili ng kategorya. (Larawan 2.) Makikita mo rin ang mga kategoryang ito sa JW Library®.a Mag-e-enjoy kang tingnan ang mga artikulo. Kung may partikular na paksa kang hinahanap, puwede mong gamitin ang search box sa jw.org.
I-type ang mga paksang ito sa search box, at pumili ng mga artikulong gusto mong basahin.
Pagpapalaki ng anak
Depresyon sa kabataan
Pagkamatay ng asawa
a Para sa ilang serye, ang kumpletong listahan ng mga artikulo ay makikita lang sa jw.org.