PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pag-aasawa—Panghabambuhay na Pagsasama
Nagbibigay ng karangalan kay Jehova ang isang masayang pag-aasawa. (Mar 10:9) Para maging matatag at masaya ang pagsasama, kailangang sundin ng mga Kristiyano ang mga prinsipyo sa Bibliya sa pagpili ng mapapangasawa.
Manligaw ka lang kapag “lampas [ka na] sa kasibulan ng kabataan,” dahil panahon ito kung kailan posibleng mapilipit ng matinding seksuwal na pagnanasa ang mga desisyon mo. (1Co 7:36) Sulitin ang mga taon na single ka para mapatibay ang kaugnayan mo sa Diyos at mapasulong mo ang mga Kristiyanong katangian. Tutulong iyan para mas maging handa ka sa pag-aasawa.
Bago ka pumayag na magpakasal, kilalaning mabuti ang “panloob na pagkatao” ng kasintahan mo. (1Pe 3:4) Kung may makita kang seryosong problema sa kaniya, kausapin siya. Sa pag-aasawa, dapat na mas nakapokus ka sa maibibigay mo, hindi sa makukuha mo. (Fil 2:3, 4) Kung susundin mo ang mga prinsipyo sa Bibliya bago ka mag-asawa, magiging maganda ang pundasyon ng iyong pag-aasawa.
PANOORIN ANG VIDEO NA PAGHAHANDA SA PAG-AASAWA—BAHAGI 3: ‘TUUSIN ANG GASTUSIN.’ PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano nagsimula ang pagliligawan ng sister at ni Shane?
Ano ang napansin ng sister kay Shane nang mas makilala niya ito?
Paano nakatulong ang mga magulang ng sister, at anong matalinong desisyon ang ginawa niya?