PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Hanggang sa Mangyari Na ang Pagkabuhay-Muli
Kapag namatayan tayo ng mahal sa buhay, nagbibigay sa atin ng kaaliwan ang pag-asa ng pagkabuhay-muli. Pero pinapahirapan pa rin tayo ng kasalanan at kamatayan, na parang isang talukbong na bumabalot sa atin. (Isa 25:7, 8) Isang dahilan ito kung bakit “ang lahat ng nilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama.” (Ro 8:22) Paano natin patuloy na makakayanan ang pagkawala ng isang minamahal hanggang sa mangyari na ang pagkabuhay-muli? Makakatulong ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos.
PANOORIN ANG VIDEO NA KAPAG NAMATAY ANG MAHAL MO SA BUHAY. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong sakit ang tiniis ni Danielle at ng mag-asawang Masahiro at Yoshimi?
Anong limang paraan ang nakatulong sa kanila?
Sino ang talagang Pinagmumulan ng kaaliwan?—2Co 1:3, 4