Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb23 Enero p. 11
  • Alamin ang Kaisipan ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alamin ang Kaisipan ng Diyos
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Kaparehong Materyal
  • Magtiwala kay Jehova Kapag Gumagawa ng mga Desisyon
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Gumawa ng mga Desisyong Magpapasaya kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Basahin ang Bibliya Araw-araw at Hanapin ang Karunungan
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Mga Magulang​—⁠Turuan ang Inyong mga Anak Kung Paano Mapapasaya ang Diyos
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
mwb23 Enero p. 11
Larawan mula sa video na “Dapat Tayong ‘Tumakbo Nang May Pagbabata’—Kumain ng Masustansiyang Pagkain.” Nagre-research si Rebekah gamit ang brosyur na “The Origin of Life—Five Questions Worth Asking.”

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Alamin ang Kaisipan ng Diyos

Gusto nating pasayahin si Jehova sa lahat ng ginagawa natin. (Kaw 27:11) Paano? Kailangan nating gumawa ng mga desisyong kaayon ng kaisipan niya kahit walang espesipikong batas tungkol dito. Ano ang puwede nating gawin?

Regular na pag-aralan ang Bibliya. Kapag nagbabasa tayo ng Bibliya, para na rin nating kasama si Jehova. Malalaman natin ang kaisipan niya sa paraan ng pakikitungo niya sa kaniyang mga lingkod. Malalaman din natin kung sino ang mga naging mabuti at naging masama sa paningin niya. Kaya kapag nagdedesisyon na tayo, ipapaalala sa atin ng banal na espiritu ang mga aral at prinsipyong natutuhan natin sa Salita ng Diyos.​—Ju 14:26.

Mag-research. Bago magdesisyon, pag-isipan muna ang mga teksto o ulat sa Bibliya na tutulong sa iyo para malaman ang pananaw ni Jehova tungkol dito. Humingi ng tulong sa kaniya, at gumamit ng mga research tool para hanapin ang mga prinsipyo sa Bibliya na babagay sa sitwasyon mo.​—Aw 25:4.

PANOORIN ANG VIDEO NA DAPAT TAYONG ‘TUMAKBO NANG MAY PAGBABATA’—KUMAIN NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sa video, anong mga hamon ang napaharap sa kabataang sister?

  • Paano mo gagamitin ang mga research tool natin para maharap ang ganoong mga hamon?

  • Kapag naglalaan tayo ng panahon para mag-research at mag-personal study bago magdesisyon, ano ang magiging resulta?​—Heb 5:13, 14

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share