PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Ingatan Mo ang Iyong Puso”
Ipinasulat ni Jehova kay Solomon: “Sa lahat ng dapat mong ingatan, ingatan mo ang iyong puso.” (Kaw 4:23) Kaya lang, huminto ang bayan ng Diyos, ang Israel, sa paglakad sa harap ni Jehova “nang buong puso nila.” (2Cr 6:14) Kahit si Haring Solomon, hindi niya naingatan ang puso niya, kaya napasunod siya ng mga paganong asawa niya sa ibang mga diyos. (1Ha 11:4) Paano mo maiingatan ang iyong puso? Tinalakay iyan sa isang araling artikulo sa Bantayan, Enero 2019, pahina 14-19.
PANOORIN ANG VIDEO NA MGA ARAL MULA SA BANTAYAN—INGATAN MO ANG IYONG PUSO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong masasamang impluwensiya ang napaharap sa mga kapatid sa video, at paano nakatulong ang araling artikulong ito para maingatan nila ang kanilang puso?
Brent at Lauren
Umjay
Happy Layou
Paano nakatulong sa iyo ang araling artikulong ito?