KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Huwag Tularan si Elipaz Kapag Nagpapatibay
Sinabi ni Elipaz na hindi mapapasaya ng mga tao ang Diyos (Job 15:14-16; w05 9/15 26 ¶4-5)
Pinalabas ni Elipaz na masama si Job kaya siya nagdurusa (Job 15:20)
Hindi napatibay si Job sa mga sinabi ni Elipaz (Job 16:1, 2)
Hindi totoo ang mga sinabi ni Elipaz kay Job. Pinapahalagahan ni Jehova ang mga pagsisikap nating paglingkuran siya. (Aw 149:4) Kahit mga matuwid, nakakaranas din ng problema.—Aw 34:19.
PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Paano natin “[mapapatibay] ang mga pinanghihinaan ng loob”?—1Te 5:14; w15 2/15 9 ¶16.