Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp21 Blg. 1 p. 14-15
  • Kung Ano ang Magagawa ng Panalangin Para sa Iyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Ano ang Magagawa ng Panalangin Para sa Iyo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Panalangin—Ang Magagawa Nito Para sa Iyo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Lumapit sa Diyos sa Panalangin
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
wp21 Blg. 1 p. 14-15

Kung Ano ang Magagawa ng Panalangin Para sa Iyo

May malalang sakit si Pamela, kaya nagpatingin siya sa doktor. Pero nanalangin din siya sa Diyos para humingi ng lakas na makayanan ang kaniyang sitwasyon. Natulungan ba siya ng panalangin?

“Kapag may treatment ako para sa cancer ko, takot na takot ako,” ang sabi ni Pamela. “Pero kapag nananalangin ako sa Diyos na Jehova, kumakalma ako at mas nakakapag-isip ako nang tama. Hindi naman nawawala ang sakit na nararanasan ko, pero natutulungan ako ng panalangin na maging positibo. Kapag kinukumusta ako ng mga tao, sinasabi ko, ‘Hindi maganda ang pakiramdam ko, pero masaya pa rin ako!’”

Siyempre, hindi naman natin kailangang hintayin na manganib ang buhay natin o na may dumating na napakabigat na problema bago tayo manalangin. Lahat tayo ay nagkakaproblema—malaki man ito o maliit. At madalas, kailangan natin ng tulong para maharap iyon. Makakatulong ba ang panalangin?

Ang sabi ng Bibliya: “Ihagis mo kay Jehova ang pasanin mo, at aalalayan ka niya. Hindi niya kailanman hahayaang mabuwal ang matuwid.” (Awit 55:22) Nakakapagpatibay iyan! Kaya paano ka matutulungan ng panalangin? Kapag mananalangin ka sa Diyos sa tamang paraan, ibibigay niya ang kailangan mo para maharap mo ang mga problema.​—Tingnan ang kahong “Kung Ano ang Maibibigay ng Panalangin sa Iyo.”

Kung Ano ang Maibibigay ng Panalangin sa Iyo

Kapayapaan ng isip

Isang negosyante na nawalan ng trabaho noon, masayang naglalakad ngayon.

“Ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo . . . at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso at isip sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” (Filipos 4:6, 7) Kapag sinabi mo sa Diyos ang lahat ng ikinababahala mo, tutulungan ka niya na maging kalmado at kumilos nang may karunungan kahit nai-stress ka.

Karunungan mula sa Diyos

Isang babaeng nananalangin noon gamit ang prayer book, na nagbabasa na ngayon ng Bibliya.

“Kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, patuloy siyang humingi sa Diyos, dahil sagana Siyang nagbibigay sa lahat at hindi nandurusta, at ibibigay iyon sa kaniya.” (Santiago 1:5) Kapag nai-stress tayo, hindi tayo laging nakakagawa ng mga tamang desisyon. Pero kung hihingi ka ng karunungan sa Diyos sa panalangin, puwede niyang ipaalala sa iyo ang mga prinsipyo sa Bibliya na makakatulong sa sitwasyon mo.

Lakas at pampatibay

Isang mag-asawa na naospital noon, ang naglalakad ngayon sa parke. May hawak na tungkod ang babae habang inaalalayan siya ng kaniyang asawa.

“May lakas akong harapin ang anumang bagay dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” (Filipos 4:13) Dahil si Jehova ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, puwede ka niyang bigyan ng lakas na kailangan mo para maharap o malampasan ang problema mo. (Isaias 40:29) Sa Bibliya, tinawag si Jehova na “Diyos na nagbibigay ng kaaliwan.” Kaya puwede niya tayong patibayin “sa harap ng lahat ng pagsubok.”​—2 Corinto 1:3, 4.

MATUTULUNGAN KA BA NG PANALANGIN?

Hindi ka pinipilit ni Jehova na manalangin sa kaniya. Pero gusto niya na manalangin ka sa kaniya. (Jeremias 29:11, 12) Pero paano kung may pagkakataon na hindi sinagot ng Diyos ang mga panalangin mo? Huwag kang panghinaan ng loob o sumuko. Tandaan, mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak. Pero hindi nila laging ibinibigay ang mga hinihiling ng mga ito sa panahon at paraan na inaasahan ng kanilang mga anak. Baka may mas magandang naiisip ang mga magulang nila. Pero isang bagay ang sigurado: Gusto ng mapagmahal na mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak.

Gusto ng Diyos na Jehova—ang pinakamapagmahal na magulang—na tulungan ka. Kung pag-iisipan mo ang mga tinalakay sa magasing ito at susundin ang mga iyon, sasagutin ng Diyos ang mga panalangin mo sa pinakamagandang paraan!—Awit 34:15; Mateo 7:7-11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share