Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp21 Blg. 2 p. 10-12
  • Kung Paano Ka Makakasama sa Bagong Sanlibutan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Ka Makakasama sa Bagong Sanlibutan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KAILANGAN NATING “MAKILALA” ANG DIYOS PARA MALIGTAS
  • BASAHIN ARAW-ARAW ANG SALITA NG DIYOS, ANG BIBLIYA
  • MANALANGIN PARA SA TULONG NG DIYOS
  • Ano Na ang Nagawa ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Paano Ka Mabubuhay Magpakailanman?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Mapayapang Bagong Sanlibutan ng Diyos—Maaari Kang Manirahan Doon
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Pagbuhay-Muli sa mga Nasa Libingan​—Talagang Posible!
    Gumising!—2008
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
wp21 Blg. 2 p. 10-12

Kung Paano Ka Makakasama sa Bagong Sanlibutan

Ipinakita sa mga naunang artikulo na malapit nang wakasan ng Diyos ang masamang lipunan ng tao, pati na ang mga problema nito. Sigurado tayong mangyayari iyan. Bakit? Kasi sinasabi ng Bibliya:

“Ang sanlibutan ay lumilipas.”​—1 JUAN 2:17.

Alam natin na may makakaligtas kasi sinasabi rin ng tekstong iyan:

“Ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.”

Kaya kung gusto nating maligtas, kailangan nating gawin ang kalooban ng Diyos. At para malaman ang kalooban ng Diyos, dapat muna natin siyang makilala.

KAILANGAN NATING “MAKILALA” ANG DIYOS PARA MALIGTAS

Collage: 1. Isang nars ang nakaupo sa sahig ng ospital dahil sa stress at sobrang pagod. 2. Habang kumakain siya sa cafeteria, napansin niya ang katrabaho niya na nakangiti at nagbabasa ng magasin. 3. Ipinakita sa kaniya ng katrabaho niya ang isang teksto sa Bibliya at binigyan siya ng jw.org contact card.

Sinabi ni Jesus: “Para magkaroon sila ng buhay na walang hanggan, kailangan nilang makilala ka, ang tanging tunay na Diyos.” (Juan 17:3) Para makaligtas at mabuhay magpakailanman, kailangan nating “makilala” ang Diyos. Para magawa iyan, hindi sapat na basta naniniwala tayong may Diyos o may alam lang tayong ilang bagay tungkol sa kaniya. Kailangan nating makipagkaibigan sa kaniya. Walang pinagkaiba iyan sa pakikipagkaibigan sa isang tao. Kung gusto nating mapalapít sa taong iyon, kailangan nating maglaan ng panahon sa kaniya. Ganiyan din ang pakikipagkaibigan sa Diyos. Tingnan ang ilang katotohanan sa Bibliya na makakatulong sa atin na magkaroon at mapanatili ang pakikipagkaibigan sa Diyos.

Mga Katotohanan sa Bibliya

Sa bahay, tinitingnan ng nars ang website na jw.org.

Gusto ng Diyos na mabuhay tayo sa Paraiso.

Nilalang niya ang unang mga tao, sina Adan at Eva, at inilagay sila sa isang magandang lugar na tinatawag na hardin ng Eden. Perpekto sila, at ibinigay ng Diyos ang lahat ng kailangan nila para maging masaya sila. Puwede silang mabuhay nang walang hanggan. Hindi sila mamamatay hangga’t kaibigan nila ang Diyos. Pero pinili nilang suwayin ang isang simpleng utos na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Kung bakit tayo nagdurusa ngayon.

Sinuway ng unang taong si Adan ang Diyos. Kaya naiwala niya ang pagkakataong mabuhay magpakailanman, kasama na ang sa atin. Sinasabi ng Bibliya: “Sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao.” (Roma 5:12) Gaya ng isang taong nagmana ng sakit sa mga magulang niya, namana din ng mga anak ni Adan ang pagiging di-perpekto. Iyan ang dahilan kung bakit tayo tumatanda at namamatay.

Ang ginawa ng Diyos para tulungan tayo.

Sinasabi ng Bibliya: “Gayon na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan kaya ibinigay niya ang kaniyang kaisa-isang Anak para ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Isinugo ng Diyos si Jesus sa lupa para ibigay ang buhay niya sa atin. Tungkol diyan, sinabi ni Prabhakar, isang 86-na-taóng-gulang na lalaking taga-India: “Ipinapakita nito na mahal na mahal ako ni Jehova.a Dahil sa pag-ibig niya, may pag-asa akong mabuhay magpakailanman.”

Kung paano natin maipapakita na nagpapasalamat tayo sa ginawa ng Diyos para sa atin.

Sinasabi ng Bibliya na maipapakita natin na nagpapasalamat tayo sa ginawa ng Diyos para sa atin kung “sinusunod [natin] ang mga utos niya.” (1 Juan 2:3) Sinasabi ng Diyos na Jehova kung ano ang puwede nating gawin para maging masaya tayo ngayon. (Isaias 48:17, 18, talababa) Ayaw niyang nahihirapan tayo. Nangangako siya na kung susundin natin ang mga utos niya, hindi lang tayo magiging masaya ngayon—puwede rin tayong mabuhay magpakailanman.

BASAHIN ARAW-ARAW ANG SALITA NG DIYOS, ANG BIBLIYA

Nakatingin sa langit ang nars pagkatapos niyang basahin ang Bibliya noong nag-lunch break siya sa labas.

Makakaligtas ka sa wakas ng mundo kung mananalangin ka para sa tulong ng Diyos at gagawin mo ang kalooban niya

Regular tayong kumakain para mabuhay. Pero sinabi ni Jesus: “Ang tao ay mabubuhay, hindi lang sa tinapay, kundi sa bawat salitang sinasabi ni Jehova.”​—Mateo 4:4.

Sa ngayon, makikita natin ang mga salita ni Jehova sa mga pahina ng Bibliya. Habang pinag-aaralan mo ang banal na aklat na iyan, malalaman mo ang mga nagawa niya noon, mga ginagawa niya ngayon, at mga gagawin niya sa hinaharap.

MANALANGIN PARA SA TULONG NG DIYOS

Ano ang puwede mong gawin kung gusto mong sundin ang Diyos pero nahihirapan kang ihinto ang mga bagay na ayaw niya? Sa ganiyang sitwasyon, talagang makakatulong sa iyo kung kilalang-kilala mo ang Diyos.

Tingnan ang halimbawa ng isang babae na tatawagin nating Sakura. Imoral ang pamumuhay niya. Nang mag-aral siya ng Bibliya, natutuhan niya ang utos ng Diyos na “tumakas . . . mula sa seksuwal na imoralidad.” (1 Corinto 6:18) Nanalangin sa Diyos si Sakura para magawa niyang ihinto ang masamang ginagawa niya. Pero kailangan niya pa ring patuloy na paglabanan ang tukso. “Kapag sumasagi sa isip ko ang imoral na mga bagay,” ang sabi niya, “sinasabi ko iyon kay Jehova sa panalangin, kasi alam ko na hindi ko ’to kaya nang mag-isa. Nakatulong sa akin ang panalangin para mas mapalapít ako kay Jehova.” Gaya ni Sakura, milyon-milyon din ang lumalapit sa Diyos para makilala siya. Binibigyan niya sila ng lakas para magbago at magawa ang mga gusto niya.​—Filipos 4:13.

Habang mas nakikilala mo ang Diyos, mas kikilalanin ka niya bilang isang matalik na kaibigan. (Galacia 4:9; Awit 25:14) Pagkatapos, puwede ka nang makasama sa bagong sanlibutan ng Diyos. Pero ano kaya ang magiging buhay sa bagong sanlibutan? Sasagutin iyan sa susunod na artikulo.

a Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share