Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp23 Blg. 1 p. 8-9
  • 2 | “Ang Kasulatan ay Nagbibigay sa Atin ng Lakas”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 2 | “Ang Kasulatan ay Nagbibigay sa Atin ng Lakas”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2023
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ibig Sabihin
  • Kung Paano Ito Makakatulong
  • Depresyon sa mga Kabataan—Mga Dahilan at Panlaban
    Gumising!—2017
  • Pagtatagumpay Laban sa Panlulumo
    Gumising!—1987
  • Tulong Mula sa ‘Diyos ng Kaaliwan’
    Gumising!—2009
  • Negatibong mga Damdamin—Paano Ito Masusupil?
    Gumising!—1992
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2023
wp23 Blg. 1 p. 8-9
Isang may-edad na lalaki habang pinag-iisipan ang binabasa niya sa Bibliya.

2 | “Ang Kasulatan ay Nagbibigay sa Atin ng Lakas”

SINASABI NG BIBLIYA: “Ang lahat ng bagay na isinulat noon ay isinulat para matuto tayo, at may pag-asa tayo dahil ang Kasulatan ay nagbibigay sa atin ng lakas at tumutulong sa atin na magtiis.”​—ROMA 15:4.

Ibig Sabihin

Tinutulungan tayo ng Bibliya na magkaroon ng lakas at makapagtiis para makayanan natin ang negatibong kaisipan. Binibigyan din tayo nito ng pag-asa na malapit nang mawala ang mga negatibong emosyon.

Kung Paano Ito Makakatulong

Lahat tayo ay nalulungkot paminsan-minsan. Pero ang mga may depression o anxiety, araw-araw silang pinapahirapan ng matinding kalungkutan. Paano makakatulong ang Bibliya?

  • Matutulungan tayo ng Bibliya na manatiling positibo. (Filipos 4:8) Pinupuno nito ang isip natin ng nakakapagpatibay na mga bagay kaya napapanatag tayo at nakokontrol natin ang emosyon natin.​—Awit 94:18, 19.

  • Tinutulungan tayo ng Bibliya na huwag isiping hindi tayo mahalaga.​—Lucas 12:6, 7.

  • Tinitiyak ng maraming teksto sa Bibliya na hindi tayo nag-iisa at na talagang nauunawaan tayo ng ating Diyos, ang ating Maylalang.​—Awit 34:18; 1 Juan 3:19, 20.

  • Nangangako ang Bibliya na aalisin ng Diyos ang lahat ng masasakit na alaala. (Isaias 65:17; Apocalipsis 21:4) Kapag gulong-gulo ang isip natin at sobra tayong nag-aalala, makakatulong ang pangakong iyan para makapagpatuloy sa buhay.

Natulungan ng Bibliya | Jessica

Ang Epekto sa Akin ng Depression

Nakatulog si Jessica habang hawak ang nakabukas na Bibliya.

“Noong 25 ako, nagka-nervous breakdown ako at na-diagnose na may matinding depression. Biglang bumabalik sa isip ko ang masasakit na alaala. Ipinaliwanag sa akin ng mga doktor na dahil lagi kong iniisip ang masasamang nangyari sa buhay ko, nagkaroon ako ng depression. Bukod sa mga gamot, kailangan ko ring magpa-therapy para matukoy at maitama ang mga negatibong iniisip ko.”

Kung Paano Ako Natulungan ng Bibliya

“Noong depressed na depressed ako, nagkaroon ako ng panic attack, sobrang pag-aalala, at hindi ako makatulog. Sa gabi, madalas na gulong-gulo ang isip ko. Gaya nga ng sabi sa Awit 94:19, kaya tayong payapain at paginhawahin ng Diyos kapag sobra tayong nag-aalala. Kaya laging nasa tabi ko ang Bibliya ko at isang notebook na may nakalistang nakakapagpatibay na mga teksto. Kapag hindi ako makatulog, nagbabasa ako ng ilang teksto kaya parang pinagiginhawa ng Diyos ang isip ko.

“Tinutulungan tayo ng Bibliya na itama ang mga iniisip natin na kontra sa alam natin tungkol sa Diyos. Noon, pakiramdam ko, wala akong kuwentang tao, mahirap mahalin, at walang silbi. Pero natutuhan kong hindi iyon ang sinasabi ng Bibliya. Sinasabi nito na ang Diyos ay isang mapagmahal at maawaing Ama na nagmamalasakit sa bawat isa sa atin. Unti-unti kong natutuhang pahalagahan ang sarili ko gaya ng pagpapahalaga ng Diyos sa akin. Mahalagang paraan ito para maalis ang negatibong pananaw sa sarili ko.

“Excited na akong mawala ang lahat ng masasakit na alaala at negatibong paraan ng pag-iisip. Alam kong malapit nang mawala ang problema sa mental na kalusugan, kaya natitiis ko na ang mga pinagdaraanan ko ngayon. At umaasa akong darating ang panahong mawawala na rin ang depression ko.”

Para sa Higit Pang Tulong:

Basahin ang artikulong “Tulong Mula sa ‘Diyos ng Kaaliwan,’” sa Hulyo 2009, isyu ng Gumising! sa jw.org/tl.

Pakinggan ang rekording ng aklat ng mga Awit sa jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share