TIP SA PAG-AARAL
Mag-aral at I-share ang Natutuhan Mo
Masaya tayo kapag nag-aaral tayo ng Bibliya. Pero magiging mas masaya tayo kung ise-share natin sa iba ang mga natututuhan natin sa pag-aaral natin. Sinasabi ng Kawikaan 11:25: “Ang nagpapaginhawa sa iba ay magiginhawahan din.”
Kapag sinasabi natin sa iba ang mga natututuhan natin, mas maaalala at maiintindihan natin ang mga iyon. At dahil alam nating makakatulong din ang mga iyon sa kanila, nagiging masaya tayo.—Gawa 20:35.
Subukan ito: Ngayong linggo, i-share sa iba ang natutuhan mo. Puwede mong gawin iyan sa isang kapamilya, kakongregasyon, katrabaho, kaklase, kapitbahay, o sa ministeryo. Sikaping gawin iyan sa sarili mong mga salita at sa simple at malinaw na paraan.
Tandaan: Mag-share para patibayin ang iba, hindi para pahangain sila.—1 Cor. 8:1.