Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w25 Agosto p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Kaparehong Materyal
  • Pupuksain ng Kaharian ng Diyos ang mga Kaaway Nito
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Armagedon—Isang Magandang Balita!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Ang mga Hatol ni Jehova sa Hinaharap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
  • Manatiling Tapat sa Panahon ng “Malaking Kapighatian”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
w25 Agosto p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Kailan matatapos ang gawaing pangangaral?

Sinabi ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng lahat ng bansa, at pagkatapos ay darating ang wakas.” (Mat. 24:14) Sa talatang ito, pati na sa talata 6 at 13, ang salitang Griego na isinaling “wakas” ay teʹlos. Tumutukoy ito sa wakas ng sistema ni Satanas sa Armagedon. (Apoc. 16:14, 16) Ibig sabihin, patuloy nating ipapangaral ang mabuting balita hangga’t hindi pa nagsisimula ang Armagedon. Paglilinaw iyan sa dati nating unawa.

Noon, iniisip natin na hindi na natin ipapangaral ang mabuting balita kapag nagsimula na ang malaking kapighatian at nawasak na ang Babilonyang Dakila. (Apoc. 17:3, 5, 15, 16) Naniniwala kasi tayo dati na sa panahong iyon matatapos ang “taon ng kabutihang-loob ni Jehova.” (Isa. 61:2) Iniisip din natin noon na ang mga nakapanatiling tapat lang kay Jehova bago ang malaking kapighatian ang maliligtas. Ikinumpara natin sila sa mga Judiong nakaligtas sa pagkawasak ng Jerusalem noong 607 B.C.E. Minarkahan na sila para sa kaligtasan bago pa mawasak ang Jerusalem dahil tapat sila kay Jehova at ayaw nila sa kasamaan. (Ezek. 5:11; 9:4) Pero hindi kaayon ng Mateo 24:14 ang pagkukumparang iyan. Ipinahiwatig doon ni Jesus na puwede pa ring makinig ang mga tao sa mabuting balita hangga’t hindi pa dumarating ang wakas ng sistema ni Satanas sa Armagedon.

Dahil may pagbabago sa unawa natin sa Mateo 24:14, kailangan din nating baguhin ang unawa natin sa Apocalipsis 16:21 tungkol sa mensaheng gaya ng malalaking tipak ng yelo. Kapag pinag-aralan nating mabuti ang dalawang tekstong ito, makikita nating magkaayon ang mga ito. Bakit natin nasabi iyan? Kasi ipinapakita ng dalawang tekstong iyan ang magiging tingin ng mga tao sa mensahe ng Kaharian. Sinabi ni apostol Pablo na para sa “mga inililigtas,” magiging mabuting balita—isang “halimuyak ng buhay”—ang mensaheng iyon. Pero para naman sa mga kaaway ng Diyos, masamang balita iyon, o isang “amoy ng kamatayan.” (2 Cor. 2:15, 16) Galit sila sa mensahe ng Kaharian kasi ipinapakita nito na napakasama ng mundo nila, kontrolado ito ni Satanas, at malapit nang magwakas.—Juan 7:7; 1 Juan 2:17; 5:19.

Pansinin din na magiging “napakatindi” ng pagbagsak ng mga yelo na sinasabi sa Apocalipsis 16:21. Posibleng nangangahulugan ito na sa malaking kapighatian, magiging mas mapuwersa ang epekto ng mensahe natin at mas maraming makakarinig nito. Kaya mas maraming tao ang makakakilala kay Jehova. (Ezek. 39:7) Sa panahong iyon, kapag nawasak na ang Babilonyang Dakila, posible kayang magustuhan ng ilan ang mensahe natin at ituring iyon na mabangong amoy? Oo. Baka maalala nila o malaman na matagal nang ipinapangaral ng mga Saksi ni Jehova ang wakas ng huwad na relihiyon.

Ganiyan ang nangyari sa Ehipto noon pagkatapos ng Sampung Salot. Matapos “[maglapat ni Jehova] ng hatol sa lahat ng diyos ng Ehipto,” sumama sa bayan niya ang “isang malaking grupo ng mga banyaga,” o mga di-Israelita. (Ex. 12:12, 37, 38) Posibleng naging mananamba sila ni Jehova nang makita nilang nagkatotoo ang sinabi ni Moises tungkol sa Sampung Salot.

Paano kung pagkatapos pa ng pagkawasak ng Babilonyang Dakila sumamba ang isa kay Jehova? May pagkakataon pa rin siyang suportahan ang mga pinahirang nandito pa sa lupa. (Mat. 25:34-36, 40) Pero kapag umakyat na sa langit ang mga natitira pang pinahiran, matatapos na ang pagkakataong mahatulan bilang tupa. Susundan na iyan ng Armagedon.

Tinitiyak sa atin ng pagbabagong ito sa unawa natin kung gaano kalalim ang pagmamahal at awa ni Jehova. Kitang-kita nating “hindi niya gustong mapuksa ang sinuman kundi gusto niya na ang lahat ay magsisi.”—2 Ped. 3:9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share