Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon
Tahiti
Ang mga isla sa French Polynesia, na kinabibilangan ng Tahiti, ay isa sa pinakamaganda sa daigdig. Mistulang paraiso ang mga ito ayon sa paglalarawan ng mga makata at manunulat. Ngunit may isa pang mas kahali-halinang paraisong makikita sa pagkagaganda’t maliliit na islang ito sa Pasipiko. Alamin kung paano naitatag ang mas mahalagang paraisong ito at kung paano ito patuloy na nagbubunga nang sagana sa ikapupuri ni Jehova.
Guyana
Ang pangalang Guyana ay nangangahulugang “Matutubig na Lupain.” Ang angkop na katawagang ito ay makikita sa napakaraming magkakarugtong na ilog sa bansang ito, na karamihan sa mga ito ay nagsisilbing mga haywey patungo sa mga nayon at mga bayan sa interyor. Basahin kung paano inakay ng mga Saksi ni Jehova, gamit ang mga canoe, bangkang de-sagwan, at mga bapor, ang kawili-wili at iba’t ibang lahing naninirahan sa bansang ito, ang tanging lupaing nagsasalita ng Ingles sa Timog Amerika, tungo sa “tubig na buháy.”—Juan 4:10.
Iceland
Nasa gawing timog lamang ng Arctic Circle, malayo sa tropiko, ang Iceland ay isang pagkaganda-gandang bansa. Mga glacier, bulkan, at mga bundok ang nakapalamuti sa baku-bakong lupaing ito. Pero isang natatanging kagandahan ang makikita sa mga taong naglilingkod kay Jehova. Sa ulat na ito, malalaman mo kung paano sinuóng ng mga lingkod ng Diyos ang mahihirap na kalagayan para lamang maibahagi sa iba ang katotohanan sa Bibliya.