Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb15 p. 118-p. 119 par. 4
  • “Lumaban Akong Tulad ng Leon”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Lumaban Akong Tulad ng Leon”
  • 2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Nakapagpapabago ng Buhay ang Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • “Ako ang Mata Niya at Siya ang Nagsisilbing Paa Ko”
    Gumising!—1991
  • Kailangan Nating Lahat ng Tulong
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Ang Uri ng Ama na Kailangan ng mga Anak
    Gumising!—2004
Iba Pa
2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb15 p. 118-p. 119 par. 4

DOMINICAN REPUBLIC

“Lumaban Akong Tulad ng Leon”

Luis Eduardo Montás

  • ISINILANG 1906

  • NABAUTISMUHAN 1947

  • Isang dating opisyal sa partido ni Rafael Trujillo. Nalaman niya ang katotohanan at tapat na naglingkod kay Jehova hanggang kamatayan noong 2000.

Larawan sa pahina 118

SI Luis, na kamag-anak ni Trujillo, ay naglingkod bilang treasurer ng namumunong partido politikal, ang Partido Dominicano. Pero kinasusuklaman ni Luis ang politikal na makinarya ni Trujillo, at bagaman ilang beses siyang nagtangkang magbitiw sa puwesto, hindi siya pinayagan ng diktador.

Nang ipapatay ni Trujillo ang dalawang kuya ni Luis, dalawang beses niyang pinagtangkaang patayin ang diktador. Pero hindi siya naiugnay sa mga pagtatangkang ito. Pumunta pa nga si Luis sa mga espiritista para magpatulong sa pagpatay sa taong inilarawan niya sa ganitong paraan: “Siya’y asal-hayop at umastang nakahihigit sa lahat.” Sa bahay ng isang espiritista, nakita niya sa mesa ang aklat na “Ang Katotohanan ang Magpapalaya sa Inyo” at binasa iyon. Interesadong-interesado si Luis sa aklat kung kaya iniuwi niya iyon. Nang maglaon, nasabi niyang ito na ang katotohanang hinahanap niya.

Nang magpunta si Luis sa Ciudad Trujillo, dumalo siya sa pulong ng mga Saksi ni Jehova at kumuha ng mga aklat at magasin. Magdamag niyang binasa ang mga literatura, at pagkaraan ay hiniling niyang turuan siya ng Bibliya. Habang sumusulong siya sa katotohanan, nagpasiya si Luis na iwan ang rehimen ni Trujillo. Nang malaman ito ng diktador, inialok niya kay Luis ang tinitingalang posisyon ng pagiging konsul sa Puerto Rico. Pero tinanggihan ito ni Luis kahit alam niyang pag-uusigin siya dahil sa kaniyang desisyon.

“Dinanas ko ang lahat ng uri ng pagmamalupit,” ang sabi ni Luis, “at iniumang sa akin ng gobyerno ang lahat ng klase ng bitag. Pero ipinasiya ko nang talikuran ang lahat ng kaluguran sa mundo.” Si Luis ay naging matapang na mamamahayag ng mabuting balita kung kaya binansagan siya ng mga paring Katoliko roon bilang “ang mángangarál.” Noong Oktubre 5, 1947, anim na buwan pagkatapos ng una niyang pagdalo sa pulong, nabautismuhan si Luis.

Pagkatapos nito, si Luis ay pinaghahanap, ibinilanggo, at ibinartolina. Ilang ulit na pinagtangkaan ang buhay niya. Pero sa tuwing inaaresto siya at dinadala sa korte, ginagamit niya ang sitwasyon para makapagpatotoo. “Lumaban akong tulad ng leon para ipagtanggol ang aking pananampalataya,” ang sabi ni Luis, “at kapag naaalaala ko ito, talagang natutuwa ako.”

Napansin ng iba ang rekord ni Luis bilang isang tapat na lingkod ng Diyos. Noong 1994, ganito ang sinabi ng pahayagang El Siglo sa Dominican Republic: “Si Mr. Luis Eduardo Montás ay kilalá sa San Cristobal bilang isang taong seryoso. Isa siyang pagpapala, isang taong mapagkapuwa-tao at mahinahon. Lahat ng nalalaman tungkol sa kaniya sa kasaysayan ng San Cristobal ay may kinalaman sa kaniyang gawain bilang isang Kristiyano.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share