Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb16 p. 144
  • Hindi Kami Nakipagkompromiso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Kami Nakipagkompromiso
  • 2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Pamantayang Moral na Karapat-dapat sa Paggalang
    Ang mga Saksi ni Jehova at ang Edukasyon
  • “Ang Pangunahing mga Biktima ng Relihiyosong Pag-uusig”
    Gumising!—1988
  • Liham Buhat sa Isang Humahanga
    Gumising!—1991
  • “Ang Kaligtasan ay kay Jehova”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb16 p. 144

INDONESIA

Hindi Kami Nakipagkompromiso

Daniel Lokollo

  • ISINILANG 1965

  • NABAUTISMUHAN 1986

  • Isang special pioneer na nanindigan sa ilalim ng pang-uusig.

Si Daniel Lokollo

NOONG Abril 14, 1989, nangangasiwa ako sa pulong sa bayan ng Maumere, sa Flores Island, nang biglang pumasok sa bahay ang mga opisyal ng gobyerno. Inaresto nila ako at ang tatlong iba pa.

Pinilit kami ng mga guwardiya sa bilangguan na sumaludo sa bandila. Nang hindi kami sumunod, binugbog nila kami, pinagsisipa, at limang araw na pinatayo sa kainitan ng araw. Sa gabi, nanginginig kami sa lamig sa sementong sahig ng maliit naming selda, hinang-hina, marungis, at kumikirot ang mga sugat. Paulit-ulit kaming sinasabihan ng warden na makipagkompromiso na, pero sinasabi namin, “Mamatay man kami, hindi kami sasaludo.” Gaya ng mga Kristiyanong nauna sa amin, isang pribilehiyo na ‘magdusa alang-alang sa katuwiran.’—1 Ped. 3:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share