Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb16 p. 170-p. 171 par. 7
  • Nagkasama Rin sa Wakas!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagkasama Rin sa Wakas!
  • 2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Kami’y Bumaling sa Pinagmumulan ng Tunay na Katuwiran
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Sama ng Loob—Kapag May ‘Dahilan Para Magreklamo’
    Manumbalik Ka kay Jehova
  • “Kayo ang Pinakamabuting Kapitbahay”
    2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Sindak sa “Flight 811”
    Gumising!—1989
Iba Pa
2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb16 p. 170-p. 171 par. 7
Sina Linda at Sally Ong

INDONESIA

Nagkasama Rin sa Wakas!

Ayon sa salaysay nina Linda at Sally Ong

Linda: Noong 12 anyos ako, sinabi ng nanay ko na may nakababata akong kapatid na babae na ipinaampon. Naisip ko kung ipinanganak din ba siyang bingi gaya ko. Lumaki akong hindi siya nakilala.

Sally: Hindi ko alam na ampon pala ako. Pinagmamalupitan ako ng ina-inahan ko at tinratong parang alila. Kaya lumaki akong malungkot at mapag-isa—na lalong nagpahirap sa katulad kong ipinanganak na bingi. Pero may nakilala akong mga Saksi ni Jehova at nakipag-aral ako sa kanila ng Bibliya. Nang malaman ito ng ina-inahan ko, pinalo niya ako ng sinturon at pinalitan niya ang mga lock ng pintuan ng bahay namin para hindi ako makalabas. Sa edad na 20, lumayas ako at kinupkop ng mga Saksi. Noong 2012, nabautismuhan ako.

Linda: Noong 20 anyos ako, nakipag-aral ako sa mga Saksi ni Jehova. Di-nagtagal, dumalo na ako sa mga pandistritong kombensiyon sa Jakarta, kung saan iniinterpret para sa mga bingi ang programa. Marami akong nakilala roon na mga bingi, isa na si Sally, isang Saksing nakatira sa North Sumatra. Magaan ang loob ko sa kaniya, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Sally: Naging magkaibigan kami ni Linda. Naisip kong magkahawig kami, pero hindi ko iyon masyadong sineryoso.

Linda: Noong Agosto 2012, isang araw bago ang bautismo ko, nadama kong gusto kong hanapin ang nawawala kong kapatid. “Mahanap ko po sana ang kapatid ko,” ang pakiusap ko kay Jehova, “kasi gusto ko pong masabi sa kaniya ang tungkol sa inyo.” Di-nagtagal, may nag-text sa nanay ko. May alam daw siya tungkol sa nawawala kong kapatid. Ito ang simula ng sunod-sunod na pangyayari na umakay para makontak ko si Sally.

Sally: Nang ipaliwanag ni Linda na ako ang nawawala niyang kapatid, agad akong bumiyahe papuntang Jakarta para makipagkita sa kaniya. Paglabas sa airport security, nakita ko si Linda—kasama sina Tatay, Nanay, at ang isa ko pang ate— na naghihintay sa akin. Nanginginig ako sa kaba. Niyakap namin at hinalikan ang isa’t isa—si Nanay ang pinakamatagal na yumakap sa akin. Umiiyak kaming lahat. Lalo kaming napaiyak at nagyakapan nang humingi sina Tatay at Nanay ng tawad dahil ipinaampon nila ako.

Linda: Dahil hindi pareho ang pagpapalaki sa amin, kailangan naming pakibagayan ang magkaiba naming personalidad at mga pagkilos. Pero mahal na mahal namin ang isa’t isa.

Sally: Ngayon, magkasama na kami ni Linda at nasa iisang sign language congregation sa Jakarta.

Linda: Nagkahiwalay kami ni Sally nang mahigit 20 taon. Nagpapasalamat kami kay Jehova at nagkasama rin kami sa wakas!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share