Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb17 p. 26-29
  • Mga Sangay na Inialay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Sangay na Inialay
  • 2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Tampok na mga Pangyayari Noong Nakaraang Taon
    2004 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Mga Sangay na Inialay
    2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Mga Tampok na Pangyayari sa Nakaraang Taon
    2002 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Mga Sangay na Inialay
    2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb17 p. 26-29
Si Stephen Lett ng Lupong Tagapamahala ang nagbigay ng pahayag sa pag-aalay para sa tanggapang pansangay sa Kyrgyzstan

Kyrgyzstan

TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON

Mga Sangay na Inialay

PUSPUSANG nagtrabaho ang lokal at banyagang mga boluntaryo sa pagtatayo sa loob ng isa’t kalahating taon upang pagandahin at palawakin ang mga pasilidad ng sangay sa Bishkek, ang kabisera ng Kyrgyzstan. Ang programa ng pag-aalay ay ginanap noong Oktubre 24, 2015, isang buwan lang pagkatapos ng proyekto. Mahigit 3,000 ang nakinig sa 18 Kingdom Hall at sa 5 pang lugar na naka-hook-up sa programa. Si Stephen Lett ng Lupong Tagapamahala ang nagbigay ng pahayag sa pag-aalay na may nakagaganyak na temang “Maglingkod kay Jehova Nang May Sakdal na Puso.” Kinabukasan, nagkaroon ng nakapagpapatibay-pananampalatayang programa para sa karamihan ng mga mamamahayag sa bansa.

Ang tanggapang pansangay sa Kyrgyzstan

Sangay sa Kyrgyzstan

Noong Sabado, Mayo 14, 2016, may 6,435 na nakinig sa pag-aalay ng tanggapang pansangay sa Armenia, na nasa 6 na palapag ng magandang 18-palapag na residensiyal na gusali. Inialay rin ang isang Assembly Hall at ang mga pasilidad para sa School for Kingdom Evangelizers. Isinalaysay ng mga pahayag sa programa ang maliit na pasimula ng mga lingkod ni Jehova sa Armenia. Ang gawain ay nagsimula sa mga dayuhang Armeniano sa United States noong maagang bahagi ng ika-20 siglo at pagkatapos ay sa Armenia mismo noong kalagitnaan ng dekada ’70, nang ang bansa ay bahagi pa ng Unyong Sobyet. Kamakailan, ang organisasyon ay legal na nairehistro at naitatag ang sangay. Hindi akalain ng maraming naroroon na makikita nila ang gayong kapana-panabik na teokratikong tagumpay. Ang tampok sa pangyayaring ito ay nang buong-pusong sumang-ayon ang lahat ng naroroon kay David Splane ng Lupong Tagapamahala na ialay ang magagandang pasilidad na iyon kay Jehova.

Si David Splane ng Lupong Tagapamahala ang nagbigay ng pahayag sa pag-aalay para sa tanggapang pansangay sa Armenia; mga kaibigan sa programa noong dulo ng sanlinggo; tradisyonal na sayaw Armeniano

Armenia

Itaas: Programa ng pag-aalay ng sangay sa Armenia

Gitna: Mga kapatid na dumalo sa espesyal na programa noong dulo ng sanlinggo

Ibaba: Tradisyonal na sayaw Armeniano noong gabi

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share