Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 102
  • Dapat Ba Akong Mag-drop Out sa Paaralan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dapat Ba Akong Mag-drop Out sa Paaralan?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung bakit nagda-drop out ang iba
  • Pag-isipan ang magiging resulta
  • Ang mas magandang gawin
  • Dapat ba Akong Huminto sa Pag-aaral?
    Gumising!—2010
  • Dapat ba Akong Huminto sa Pag-aaral?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Dapat Ba Akong Huminto sa Pag-aaral?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Paano Kung Ayaw Ko Nang Pumasok sa School?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 102
Isang kabataang lalaki na ayaw nang mag-aral habang papalayo sa school at sa mga kapuwa niya estudyante.

TANONG NG MGA KABATAAN

Dapat Ba Akong Mag-drop Out sa Paaralan?

“Ayoko nang mag-aral!” Kung iyan ang nararamdaman mo, baka gustuhin mo nang mag-drop out sa paaralan. Sa artikulong ito, tatalakayin ang mga bagay na mas maganda mong gawin.

  • Kung bakit nagda-drop out ang iba

  • Pag-isipan ang magiging resulta

  • Ang mas magandang gawin

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Kung bakit nagda-drop out ang iba

Ito ang mga dahilan ayon sa mga guro:

  • Hiráp matuto. ‘Laging bagsak ang grades ko.’

  • Kawalan ng interes sa pag-aaral. ‘Magagamit ko ba talaga ang mga pinag-aaralan ko?’

  • Kahirapan sa buhay. ‘Kailangan kong magtrabaho para makatulong sa pamilya.’

Pag-isipan ang magiging resulta

Sinasabi ng Bibliya: “Pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.” (Kawikaan 14:15) Ang aral? Kung gusto mo nang mag-drop out sa school, pag-isipan mo muna ang magiging resulta.

Tanungin ang sarili:

  • ‘Kapag nag-drop out ako, makakakuha kaya ako ng magandang trabaho?’

    “Darating ang araw na kailangan mong magtrabaho para masuportahan ang pamilya mo. Pero paano ka makakakuha ng trabaho kung ang tinatanggap nila ay mga high school graduate?”—Julia.

  • ‘Kapag nag-drop out ako, matututo kaya akong harapin ang mga problema sa hinaharap?’

    “Ang pag-aaral ay paghahanda para sa hinaharap. Kasi ang mga pakikitungo mo sa iba sa paaralan, ang mga problemang hinaharap mo ngayon, at mga ginagawa mo, ay kapareho ng mga haharapin mo sa hinaharap.”—Daniel.

  • ‘Kapag nag-drop out ako, magkakaroon kaya ako ng mga kasanayan na kailangan kapag naging adulto na ako?’

    “Parang ’di ko naman magagamit y’ong mga pinag-aaralan ko ngayon. Pero kapag 23-anyos ka na, at nagba-budget ka na ng pera mo, maiisip mo, ‘Mabuti na lang, natuto ako ng math.’”—Anna.

Ang mas magandang gawin

  • Magpatulong. Sinasabi ng Bibliya: “May tagumpay kapag marami ang tagapayo.” (Kawikaan 11:14) Kapag bumababa ang grades mo, magpatulong sa iyong mga magulang, teacher, guidance counselor, o iba pang mapagkakatiwalaang adulto. Siguradong may maipapayo sila sa iyo.

    “Kapag nahihirapan ka, puwede mong kausapin y’ong teacher mo. Minsan kasi isinisisi natin sa teacher natin kapag mababa ang grades natin, pero madalas, nababago ang sitwasyon kapag humingi ka ng tulong sa kaniya.”—Edward.

  • Isipin ang mga pakinabang. Sinasabi ng Bibliya: “Mas mabuti ang wakas ng isang bagay kaysa sa pasimula nito.” (Eclesiastes 7:8) Kapag nagtapos ka sa pag-aaral, hindi ka lang nagkaroon ng kaalaman, nagkaroon ka rin ng mga katangian at kasanayan na kailangan sa buhay.

    “Hindi ka naman magsusulat ng essay o mag-aaral para sa exam kapag adulto ka na. Pero kapag naharap mo ang mga stress sa school, mas madali na lang para sa iyo na harapin ang mga problema pagka-graduate mo.”—Vera.

    Isang kabataan na pababa ng bangka bago pa ito makadaong. Pinipigilan siya ng mga kaklase at teacher niya na huwag bumaba ng bangka.

    Kapag nag-drop out ka sa school, para kang tumalon sa bangka bago pa ito makadaong; baka magsisi ka sa gagawin mo!

  • Mag-isip muna bago magdesisyon. Sinasabi ng Bibliya: “Ang lahat ng padalos-dalos ay tiyak na maghihirap.” (Kawikaan 21:5) Huwag magpadalos-dalos sa pagpapasiya na mag-drop out, na parang ito lang ang pinakamabuti mong magagawa. Puwede mo pa ring tapusin ang pag-aaral mo kahit sa online schooling o homeschool.

    “Sa school, matututo kang maging masipag, solusyunan ang mga problema, at makipagtulungan sa iba. Habambuhay mo iyong magagamit. Kaya sulit na tapusin ang pag-aaral.”—Benjamin.

Tandaan: Kapag tinapos mo ang pag-aaral mo, mas magiging handa kang harapin ang mga pananagutan mo kapag adulto ka na.

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Si Annabelle.

“Kapag mag-a-apply ka sa trabaho, mas malamang na tanggapin ka kapag nakatapos ka ng pag-aaral. Patunay kasi iyon na kaya mong tapusin ang mga sinimulan mo. Kaya hindi katalinuhan na huminto ka sa pag-aaral.”—Annabelle.

Si Cole.

“Parang mas madaling mag-drop out kaysa patuloy na mag-aral. Pero kailangan mong harapin ang mga nakaka-stress na sitwasyon para maging responsable kang adulto. Kaya inihahanda ka ng pag-aaral mo sa mga haharapin mo kapag adulto ka na.”—Cole.

Si Brynn.

“Kapag adulto ka na, wala ka namang sasagutan na mahihirap na math problem. Pero kailangan mo pa ring ayusin ang iskedyul mo, abutin ang mga deadline, at sanayin ang sarili mo na bumangon nang maaga. At makakatulong sa iyo ang pag-aaral para magawa mo ang mga iyan.”—Brynn.

Review: Dapat ba akong mag-drop out sa paaralan?

  • Pag-isipan ang magiging resulta. Kung hihinto ka sa pag-aaral, pag-isipan kung makakakuha ka ng trabaho, kung matututo ka ng mga kakayahan sa buhay, at kung magkakaroon ka ng kakayahan na harapin ang mga problema.

  • Magpatulong. Kapag bumababa ang grades mo, magpatulong sa iyong mga magulang, teacher, guidance counselor, o iba pang mapagkakatiwalaang adulto.

  • Isipin ang mga pakinabang. Kapag nagtapos ka sa pag-aaral, hindi ka lang nagkaroon ng kaalaman, matututo ka rin kung paano mag-aral, abutin ang mga deadline, at maging responsable.

  • Mag-isip muna bago magdesisyon. Kung kailangan mong mag-drop out dahil sa kalagayan mo, baka puwede kang mag-enrol sa home o online school, o iba pang paraan ng pag-aaral.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share