Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 48
  • Ginawa ba ng Diyos ang Diyablo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ginawa ba ng Diyos ang Diyablo?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Nilalang ba ng Diyos ang Diyablo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Isang Kaaway ng Buhay na Walang-Hanggan
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Ang Diyablo—Hindi Lamang Basta Pamahiin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 48
Isang masuwaying anghel na naging Diyablo

Ginawa ba ng Diyos ang Diyablo?

Ang sagot ng Bibliya

Ipinakikita ng Bibliya na hindi nilalang ng Diyos ang Diyablo. Sa halip, nilalang niya ang persona na naging ang Diyablo. Sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos: “Sakdal ang kaniyang gawa, sapagkat ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan. Isang Diyos ng katapatan, na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan; matuwid at matapat siya.” (Deuteronomio 32:3-5) Batay dito, masasabi natin na si Satanas na Diyablo ay isang dating perpekto at matuwid na anghel ng Diyos.

Sinabi ni Jesus sa Juan 8:44 na ang Diyablo ay “hindi . . . nanindigan sa katotohanan.” Ipinahihiwatig nito na si Satanas ay dating tapat at walang kasalanan.

Gayunman, gaya ng iba pang matatalinong nilalang ni Jehova, ang anghel na naging si Satanas ay may kalayaang pumili ng tama o mali. Nang piliin niyang kalabanin ang Diyos at udyukan ang unang mag-asawa na sumama sa kaniya, ginawa niyang Satanas, o “Mananalansang,” ang kaniyang sarili.—Genesis 3:1-5; Apocalipsis 12:9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share