Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 54
  • Kailangan Ba Talagang May mga Patakaran sa Bahay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kailangan Ba Talagang May mga Patakaran sa Bahay?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang tamang pananaw
  • Ang tamang gawin
  • Bakit ang Higpit sa Bahay?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Paano Ko Kakausapin ang mga Magulang Ko Tungkol sa Kanilang mga Patakaran?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Bakit ba Napakaraming Bawal?
    Gumising!—2006
  • Bakit Parang Ayaw ng mga Magulang Ko na Mag-enjoy Ako?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 54
Nakikinig ang bata sa tatay niya

TANONG NG MGA KABATAAN

Kailangan Ba Talagang May mga Patakaran sa Bahay?

Nahihigpitan ka ba sa mga magulang mo? Tutulungan ka ng artikulong ito at ng kasamang worksheet para maipakipag-usap mo ito sa kanila.

  • Ang tamang pananaw

  • Ang tamang gawin

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Ang tamang pananaw

Maling akala: Kapag wala ka na sa poder ng mga magulang mo, wala ka na ring kailangang sundin.

Ang totoo: May mga kailangan ka pa ring sundin kahit wala ka na sa bahay—puwedeng boss, may-ari ng uupahan mong bahay, o gobyerno pa nga. “Sa tingin ko, ang mga kabataan na ayaw sumunod sa mga patakaran sa bahay ay magkakaroon ng malaking problema kapag bumukod na sila,” sabi ni Danielle, 19 na taóng gulang.

Sabi ng Bibliya: “Maging masunurin sa mga pamahalaan at sa mga awtoridad.” (Tito 3:1) Kung sinasanay mo ang sarili mo na maging masunurin sa mga magulang mo, makakatulong iyan sa iyo kapag adulto ka na.

Ang puwede mong gawin: Tingnan ang magagandang resulta ng pagsunod. “Talagang nakatulong ang mga patakaran ng mga magulang ko para maging matalino ako sa pagpili ng mga kaibigan at paggamit ng panahon,” sabi ng kabataang si Jeremy. “Nakatulong din ang mga ito para hindi ako mababad sa TV at video games, kaya nagkapanahon ako sa kapaki-pakinabang na mga gawain at ang ilan dito ay nae-enjoy ko pa rin.”

Ang tamang gawin

Pero paano kung sa tingin mo ay hindi makatuwiran ang isang patakaran? Sinabi ng kabataang si Tamara: “Pinayagan ako ng mga magulang ko na pumunta sa ibang bansa. Nang makauwi na ako, ayaw nila akong payagang mag-drive papunta sa lunsod na 20 minuto lang ang layo sa amin!”

Kung ganiyan din ang sitwasyon mo, mali bang kausapin ang mga magulang mo tungkol dito? Hindi naman. Pero dapat na alam mo kung kailan at paano mo sila kakausapin.

Kailan. “Kapag napatunayan mo nang mapagkakatiwalaan ka at responsable, puwede mo nang kausapin ang mga magulang mo para baguhin ang isang patakaran,” sabi ng teenager na si Amanda.

Nakita ni Daria na totoo iyan. Sabi niya, “Binago lang ni Mommy ang patakaran niya nang makita niyang lagi na akong sumusunod sa kaniya.” Tandaan, hindi mo puwedeng hingin ang tiwala, kailangan mo itong paghirapan.

Mga eroplanong galing sa iba’t ibang direksiyon

Kung hindi sinusunod sa bahay ninyo ang mga patakaran ng mga magulang ninyo, para kang la-landing sa airport kung saan hindi sinusunod ang mga air traffic rule

Sabi ng Bibliya: “Tuparin mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong iiwan ang kautusan ng iyong ina.” (Kawikaan 6:20) Kapag sinunod mo iyan, unti-unting lalaki ang tiwala sa iyo ng mga magulang mo at mas madali na para sa iyo na kausapin sila.

Paano. “Mas makikinig ang mga magulang mo sa iyo kapag magalang ka at kalmado kaysa kapag nagrereklamo ka at sumisigaw,” sabi ng kabataang si Steven.

Sang-ayon diyan si Daria, na nabanggit kanina. Sabi niya: “Kapag nakipagtalo ako kay Mommy, walang nagbabago. Minsan, lalo pa siyang naghihigpit.”

Sabi ng Bibliya: “Inilalabas ng hangal ang kaniyang buong espiritu, ngunit siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.” (Kawikaan 29:11) Maraming magagandang resulta ang pagpipigil sa sarili, hindi lang sa bahay kundi sa paaralan, trabaho, at iba pa.

Ang puwede mong gawin: Mag-isip bago magsalita. Ang nagawa mong rekord ng pagiging mapagkakatiwalaan ay puwedeng mabura dahil sa paglalabas ng galit. Kaya sinasabi ng Bibliya na ang “mabagal sa pagkagalit ay sagana sa kaunawaan.”—Kawikaan 14:29.

Tip: Sagutan ang kasama nitong worksheet para mapag-isipan mo ang mga patakaran ng mga magulang mo, at kung kailangan, ipakipag-usap mo ito sa kanila.

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Kimberleigh

“Dahil sa mga patakaran, natututuhan ng mga kabataan na maging magalang at magpigil sa sarili—mga katangiang mahalaga hanggang sa pagtanda. Kung walang mga patakaran, walang direksiyon ang buhay ko at walang pamantayan na gagabay sa akin.”—Kimberleigh.

Kaley

“May mga pagkakataon noon na pakiramdam ko ay di-patas ang mga patakaran ng mga magulang ko. Iyon pala, may nagawa akong sumira ng tiwala nila o hindi makakabuti sa akin ang gusto kong gawin. Ngayon, alam ko nang para sa akin ang mga patakaran nila.”—Kaley.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share