Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 60
  • Masama Bang Uminom ng Alak?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Masama Bang Uminom ng Alak?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mag-isip bago uminom
  • Mag-set ng goal
  • Ano ang Dapat na Maging Pananaw ng mga Kristiyano sa Alak?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Magpagabay sa Pananaw ng Diyos sa Alak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Tamang Pangmalas sa Alak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Paano Mo Makokontrol ang Pag-inom ng Alak?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 60
Kabataang lalaki na inaalok uminom sa isang picnic

TANONG NG MGA KABATAAN

Masama Bang Uminom ng Alak?

Hindi ipinagbabawal ng Bibliya ang pag-inom ng alak kung hindi naman sobra at kung legal ito. Pero ipinagbabawal nito ang paglalasing.—Awit 104:15; 1 Corinto 6:10.

Paano kung nape-pressure kang uminom kahit hindi ito ipinapahintulot ng batas o hindi ka pinapayagan ng magulang mo?

  • Mag-isip bago uminom

  • Mag-set ng goal

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Mag-isip bago uminom

Baka iniisip ng ilang kaibigan mo na kailangang uminom para mag-enjoy. Pero ano kaya ang puwedeng mangyari pagkatapos nito?

  • Taong nakulong

    Paglabag sa batas. Kung iinom ka ng alak kahit bawal ito sa batas, depende sa lugar ninyo, puwede kang pagmultahin, makasuhan, mabawian ng lisensiya sa pagmamaneho, mag-community service, o makulong pa nga.—Roma 13:3.

  • Cellphone

    Nasirang reputasyon. Pinapahina ng alak ang pagpipigil mo sa sarili. Kapag nakainom ka, puwedeng may masabi ka o magawa na pagsisisihan mo. (Kawikaan 23:31-33) At ngayong usong-uso ang social media, ang mga ginagawa mo ay makakasira sa reputasyon mo at hindi madaling maalis ang epekto nito.

  • Babaeng hina-harass

    Mas mahinang pandepensa. Mas madali kang maging biktima ng pisikal o seksuwal na pang-aabuso kung nakainom ka. Mas madali ka ring maimpluwensiyahan ng iba na gumawa ng mga bagay na delikado o ilegal.

  • Bote ng alak na walang laman

    Adiksiyon. Ayon sa ilang pagsasaliksik, kung bata kang nagsimulang uminom, mas malaki ang tsansa na malulong ka sa alak. Kung umiinom ka tuwing nai-stress, nalulungkot, o walang magawa, puwede kang maadik sa alak at mahihirapan kang makawala.

  • Bungo at mga buto

    Pagkamatay. Noong 2013, sa United States, isang tao ang namamatay sa bawat 52 minuto dahil sa pagmamaneho nang nakainom. Bawat taon, mula 2006 hanggang 2010, mahigit 1,500 na wala pang 21 anyos ang namatay dahil sa mga aksidenteng dulot ng pagmamaneho nang lasing. Kahit hindi ka nakainom, malalagay sa panganib ang buhay mo kung nakainom ang drayber.

Mag-set ng goal

Kung pag-iisipan mo na ngayon kung ano ang gagawin mo sa mga sitwasyong natutukso kang uminom kahit hindi dapat, makakaiwas ka sa panganib at gastos.

Simulain sa Bibliya: “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli.” (Kawikaan 22:3) Hindi ka dapat uminom bago magmaneho o kapag may gagawin ka na kailangang magpokus.

Determinasyon: ‘Iinom lang ako kapag nasa tamang edad na ako at sa tamang kalagayan.’

Simulain sa Bibliya: “Alipin kayo ng inyong sinusunod.” (Roma 6:16, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Kung iinom ka dahil umiinom din ang mga kaibigan mo, nagpapakontrol ka sa kanila. Kung iinom ka dahil sa wala ka lang magawa o dahil sa stress, hindi ka magkakaroon ng mga katangiang kailangan para maharap ang mga problema mo.

Determinasyon: ‘Hindi ako magpapa-pressure sa mga kaibigan ko na uminom.’

Simulain sa Bibliya: “Huwag kang sumama sa mga labis uminom.” (Kawikaan 23:20) Mapapahina ng masasamang kasama ang determinasyon mo. Inilalagay mo sa panganib ang sarili mo kung sumasama ka sa malalakas uminom.

Determinasyon: ‘Hindi ako makikipagkaibigan sa malalakas uminom.’

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Jordan

“No’ng nag-aaral pa ako, lagi akong pinipilit na uminom. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko ang 1 Corinto 15:33: ‘Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali.’”—Jordan.

Jenna

“Iniiwasan ko ang mga tao o sitwasyon na alam kong makaka-pressure sa akin. Buti na lang, may mga kaibigan ako na mahusay magpasiya pagdating sa pag-inom.”—Jenna.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share