Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 128
  • Binabanggit Ba sa Bibliya ang Purgatoryo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binabanggit Ba sa Bibliya ang Purgatoryo?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Purgatoryo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Ang Katotohanan Tungkol sa Impiyerno
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Mapaniniwalaan Mo ba ang Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kamatayan
    Gumising!—2014
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 128
Ideya ng isang artist tungkol sa purgatoryo

Binabanggit Ba sa Bibliya ang Purgatoryo?

Ang sagot ng Bibliya

Hindi. Wala sa Bibliya ang salitang “purgatoryo,” ni itinuturo man nito na ang kaluluwa ng mga namatay ay nililinis sa purgatoryo.a Tingnan natin kung ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kasalanan at kamatayan at kung kaayon ito ng doktrina ng purgatoryo.

  • Ang pananampalataya sa dugo ni Jesus ang naglilinis sa isang tao mula sa kasalanan, hindi ang pananatili nang ilang panahon sa tinatawag na purgatoryo. Sinasabi ng Bibliya na “ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus” at “sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan.” (1 Juan 1:7; Pahayag [o, Apocalipsis] 1:5, Magandang Balita Biblia) Ibinigay ni Jesus “ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami” mula sa kanilang mga kasalanan.—Mateo 20:28, MB.

  • Ang mga taong namatay ay wala nang malay. “Alam ng buháy na siya’y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman.” (Mangangaral [o, Eclesiastes] 9:5, MB) Ang taong namatay ay walang anumang nadarama kaya hindi siya maaaring linisin ng anumang apoy ng purgatoryo.

  • Wala nang kaparusahan para sa mga kasalanan pagkamatay ng isang tao. Sinasabi ng Bibliya na “kamatayan ang kabayaran ng kasalanan ” at na “ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.” (Roma 6:7, 23, MB) Kamatayan ang lubos at hustong parusa para sa kasalanan.

Ano ang doktrina ng purgatoryo?

Sa turong Katoliko, ang purgatoryo ay ang kalagayan o lugar kung saan ang kaluluwa ng mga namatay ay nagbabayad sa kanilang di-napatawad na mga kasalanan at nililinis.b Ayon sa Catechism of the Catholic Church, kailangan ang paglilinis na ito upang “matamo ang kabanalang kahilingan para makapasok sa kagalakan sa langit.” Sinabi pa ng Catechism na “ang tradisyon ng Simbahan . . . ay may tinutukoy na naglilinis na apoy,” gaya ng inilalarawan sa kasamang artwork ng artikulong ito. Pero hindi ito itinuturo ng Kasulatan.

Saan nanggaling ang doktrina ng purgatoryo?

Ang sinaunang mga Griego ay naniniwala sa Limbo at purgatoryo. Dahil naimpluwensiyahan ng pilosopiyang Griego, sinabi ni Clement ng Alexandria na ang mga kasalanan ng namatay ay maaaring linisin sa pamamagitan ng naglilinis na apoy. Pero si Pope Gregory I ang nagdeklara na ang apoy ng purgatoryo ay isang di-mapag-aalinlanganang paniniwala, ayon sa The History of Christian Doctrines. Sinabi pa ng reperensiyang akdang ito na si Gregory, na naging papa mula 590 hanggang 604 C.E., “ay madalas tawaging ‘ang imbentor ng purgatoryo.’” Ipinahayag ng Simbahang Katoliko ang opisyal na turo nito tungkol sa purgatoryo sa mga konsilyo ng Lyons (1274) at Florence (1439) at muli itong pinagtibay sa Konsilyo ng Trent noong 1547.

a May kinalaman sa purgatoryo, ang aklat na Orpheus: A General History of Religions ay nagsasabi na “walang isa mang salitang binabanggit tungkol dito ang mga Ebanghelyo.” Sinasabi naman sa New Catholic Encyclopedia: “Sa huling pagsusuri, ang doktrinang Katoliko tungkol sa purgatoryo ay salig sa tradisyon, hindi sa Sagradong Kasulatan.”—Ikalawang Edisyon, Tomo 11, pahina 825.

b Tingnan ang New Catholic Encyclopedia, Ikalawang Edisyon, Tomo 11, pahina 824.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share