Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwfq artikulo 57
  • Ano ang Nangyari sa mga Saksi ni Jehova Noong Holocaust?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Nangyari sa mga Saksi ni Jehova Noong Holocaust?
  • Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Paano sila namatay?
  • Bakit sila inusig?
  • Saan sila namatay?
  • Ilan sa mga pinatay
  • Ang Holocaust—Mga Biktima o mga Martir?
    Gumising!—1989
  • Ibinunyag ang mga Kabuktutan ng Nazismo
    Gumising!—1995
  • Mga Pagsalakay ng Nazi-Fascista sa mga Saksi
    Gumising!—1985
  • Bakit Hindi Nakikipagdigma ang mga Saksi ni Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
ijwfq artikulo 57
Isang Saksi ni Jehova na nakauniporme ng preso na may purple triangle

Ano ang Nangyari sa mga Saksi ni Jehova Noong Holocaust?

Sa mga 35,000 Saksi ni Jehova na nakatira sa Germany at sa mga bansang nasakop ng Nazi, mga 1,500 ang namatay noong Holocaust. May mga kaso na hindi natukoy ang dahilan ng kamatayan. Patuloy pa ang pagsasaliksik at puwede pang magbago ang bilang at ibang detalye.

  • Paano sila namatay?

  • Bakit sila inusig?

  • Saan sila namatay?

  • Ang ilan sa pinatay

Paano sila namatay?

  • Gilotinang ginamit ng mga Nazi

    Gilotinang ginamit ng mga Nazi

    Pagbitay: Halos 400 Saksi ang binitay sa Germany at sa mga bansang nasakop ng Nazi. Karamihan ng mga biktima ay nilitis sa korte, sinentensiyahan ng kamatayan, at pinugutan ng ulo. Ang iba ay binaril o binigti nang walang paglilitis sa korte.

  • Napakahirap na kalagayan sa piitan: Mahigit 1,000 Saksi ang namatay sa mga Nazi concentration camp at bilangguan. Namatay sila dahil sa matinding pagod sa trabaho, pagpapahirap, gutom, matinding lamig, sakit, o hindi mabuting medikal na pangangalaga. Dahil sa malupit na pagtrato, ang iba ay namatay nang mapalaya pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II.

  • Iba pang dahilan: Ang ilang Saksi ay pinatay sa mga gas chamber, namatay pagkatapos gamitin sa medikal ng mga eksperimento, o binigyan ng lethal injection.

Bakit sila inusig?

Ang mga Saksi ni Jehova ay inusig dahil nanghahawakan sila sa mga turo ng Bibliya. Nang ipag-utos ng estado ng Nazi sa mga Saksi ang mga ipinagbabawal ng Bibliya, hindi sumunod ang mga Saksi. Pinili nilang “sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.” (Gawa 5:29) Tingnan natin ang dalawang halimbawa.

  1. Nanatiling neutral sa politika. Gaya ng mga Saksi sa lahat ng bansa ngayon, ang mga Saksi ni Jehova noon sa ilalim ng Nazi ay neutral sa mga usapin sa politika. (Juan 18:36) Kaya tumatanggi silang

    • Magsundalo o suportahan ang anumang gawaing nauugnay sa digmaan.—Isaias 2:4; Mateo 26:52.

    • Bumoto o sumali sa mga organisasyon ng Nazi.—Juan 17:16.

    • Sumaludo sa swastika o magsabi ng “Heil Hitler!”—Mateo 23:10; 1 Corinto 10:14.

  2. Nagsagawa ng kanilang pananampalataya. Sa kabila ng pagbabawal na isagawa ang kanilang pananampalataya, ang mga Saksi ni Jehova ay patuloy na

    • Nagtipon para manalangin at sumamba.—Hebreo 10:24, 25.

    • Nangaral ng mensahe ng Bibliya at namahagi ng literaturang salig sa Bibliya.—Mateo 28:19, 20.

    • Nagpakita ng kabaitan sa kanilang kapuwa, pati na sa mga Judio.—Marcos 12:31.

    • Nanindigan sa kanilang pananampalataya, at tumangging pumirma sa isang dokumento na nagpapatunay na itinakwil nila ang kanilang paniniwala.—Marcos 12:30.

Ayon kay Propesor Robert Gerwarth, ang mga Saksi ni Jehova “ang tanging grupo sa ilalim ng rehimeng Nazi na pinag-usig dahil lang sa kanilang relihiyosong paniniwala.”a Hinangaan ng mga kapuwa bilanggo nila sa concentration camp ang mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang paninindigan. Sinabi ng isang bilanggong Austriano: “Hindi sila nakikipagdigma. Nanaisin pa nilang mamatay kaysa pumatay ng sinuman.”

Saan sila namatay?

  • Concentration camp: Karamihan ng mga Saksi ni Jehova ay namatay sa mga concentration camp. Ikinulong sila sa mga kampo ng Auschwitz, Buchenwald, Dachau, Flossenbürg, Mauthausen, Neuengamme, Niederhagen, Ravensbrück, at Sachsenhausen. Sa Sachsenhausen lang, mga 200 Saksi ni Jehova ang nakumpirmang namatay.

  • Bilangguan: Ang ilang Saksi ay pinahirapan hanggang mamatay sa mga bilangguan. Ang iba naman ay namatay dahil sa pambubugbog noong interogasyon.

  • Saan pinatay: Karamihan sa pinatay na mga Saksi ni Jehova ay binitay sa mga bilangguan sa Berlin-Plötzensee, Brandenburg, at Halle/Saale. Bukod diyan, may mga 70 iba pang dokumentadong lugar kung saan pinatay ang mga Saksi.

Ilan sa mga pinatay

  • Helene Gotthold

    Pangalan: Helene Gotthold

    Saan pinatay: Plötzensee (Berlin)

    Si Helene, na may asawa at dalawang anak, ay ilang beses na naaresto. Noong 1937, binugbog siya sa isang interogasyon kaya nakunan siya. Noong Disyembre 8, 1944, pinugutan siya ng ulo sa bilangguan ng Plötzensee, Berlin.

  • Gerhard Liebold

    Pangalan: Gerhard Liebold

    Saan pinatay: Brandenburg

    Si Gerhard ay 20 anyos nang pugutan siya ng ulo noong Mayo 6, 1943, dalawang taon pagkatapos pugutan ng ulo ang tatay niya sa bilangguan ding iyon. Sumulat siya bilang pamamaalam sa kaniyang ina at kapatid na babae at sa kaniyang katipan: “Hindi ko ito kakayanin kung walang lakas mula sa Panginoon.”

  • Rudolf Auschner

    Pangalan: Rudolf Auschner

    Saan pinatay: Halle/Saale

    Si Rudolf ay 17 anyos lang nang pugutan siya ng ulo noong Setyembre 22, 1944. Sa kaniyang liham ng pamamaalam sa kaniyang ina, isinulat niya: “Maraming kapatid ang nanatiling tapat, gayundin ako.”

a Hitler’s Hangman: The Life of Heydrich, pahina 105.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share