21 Nang makita ko sa samsam ang isang maganda at mamahaling damit mula sa Sinar+ at ang 200 siklong pilak at isang bara ng ginto, na 50 siklo ang bigat, nagustuhan ko ang mga iyon, kaya kinuha ko. Nakabaon ang mga iyon sa lupa sa loob ng tolda ko at ang pera ay nasa ilalim.”