12 Iniulat kay Haring David: “Pinagpala ni Jehova ang sambahayan ni Obed-edom at ang lahat ng kaniya dahil sa Kaban ng tunay na Diyos.” Kaya pumunta roon si David para kunin ang Kaban ng tunay na Diyos sa bahay ni Obed-edom at dalhin iyon sa Lunsod ni David nang may pagsasaya.+