12 At susunugin ko ang mga bahay ng mga diyos ng Ehipto,+ at tutupukin niya ang mga ito at dadalhin niya silang bihag. Ibabalot niya ang lupain ng Ehipto sa kaniyang sarili kung paanong ibinabalot ng pastol ang kasuotan sa sarili niya, at payapa siyang aalis doon.